Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Onyok, gustong makaipon para makabili ng bahay

COCO’S NUTS! Sa pagtatagal ng FPJs  Ang Probinsyano sa ere na gabi-gabing inihahatid ngDreamscape Television Entertainment, sa mahigit na isang taong pag-alagwa nito, tatlong prominenteng karakter ang ayaw ma-miss ng mga manonood sa takbo ng istorya.

Si Pepe Herrera at ang dalawang batang gugustuhing iuwi ng mga magulang sa tahanan nila—sina Onyok at MacMac o Awra!

Sa presscon ng pasasalamat ng cast na tumagal ng isang taong palabas, inalala niMcNeal “Awra” Briguela ang ‘di niya makalilimutang eksena—nang umamin siya sa katauhan niya bilang isang bakla.

“Kinausap po ako ni Kuya Coco kung paano ko gagawin at ibibitaw ang dialogue ko at emosyon. Hinintay ko po ‘yung sinabi niyang actor’s cue. Nagawa ko naman po. At malaki po ang pasasalamat ko sa kanilang lahat dahil natuto akong umarte.”

Si Onyok (Simon Pineda) eh, ramdam na raw na kilala na siya. At anim na taon na siya ngayong October 1, 2016.

Tinanong namin ito sa wish niya.

“World peace!” ang bulong ng Kuya Coco (Martin) niya. Na last time eh sword ng Starwars na umiilaw daw ang iniregalo sa kanya. Pero dagdag nito, ”Gusto ko pa po makaipon para mabili ko na ‘yung bahay para sa amin!”

Ang balik-handog ng tropa sa kanilang mga tagasubaybay who made them the number one teleserye ay isang espesyal na concert sa October 8, sa SMART Araneta. This is for free na pupunuin ng liwanag ang Araneta sa pagsasama-sama ng pinakamalalaking bituin ng industriya gaya ng loveteams na JaDine, ElNella, McLisse with Ogie Alcasid, Vina Morales, Vice Ganda, Vhong Navarro, Ayen Laurel, Hashtags and more.

Para sa tiket, pumunta sa ABS-CBN Center Road ngayong Sabado at Linggo (October 1 at 2) mula 1:00 to 7:00 p.m.

Kahit na first love ni Pepe ang entablado, e-enjoyin muna raw nito ang  Ang Probinsyano na para na rin silang naging isang pamilya.

Mukhang si Pepe ang sasabak sa kantahan at aantabayanan ang magiging sorpresa ng Idolo ng Masa na si Coco kasama ang buong cast! Na itinuring na Celebrity Advocate for a Drug-Free Philippines dahil sa pagpapalaganap nito ng crime awareness at prevention. Kinilala si Coco sa inihaing House Resolution number 358 ni Rep. Ace Barbers sa campaign ng programa sa napapanood nating Ligtas Tips.

Maybe 1 is just a number. Pero sa puntong ito, alam natin kung saan nakatuntong ang Ang Probinsyano! At sabi nga ni Coco, in the next three months, sisiguraduhin niya at ng kanilang team na hindi bibitiw ang mga manonood sa mga eksena at celebrities na tatapak sa ikot ng buhay ni Cardo, ng kanyang pamilya, at mga sinusugpong kasamaan.

Gaya ng sabi ni Manang Inday Susan Roces, ”Nakuha ni Coco ang adhikain ni FPJ sa kanyang mga pelikula—na the good always triumphs over evil!”

That makes AP always on top!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …

Than Perez Kathryn Bernardo

Baguhang aktor biggest crush si Kathryn 

MATABILni John Fontanilla HEAD over heels ang pagka-crush ng newbie actor na si Than Perez kay Kathryn Bernardo. …

Coco Martin Aljur Abrenica

Coco malaking blessing kay Aljur 

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING na blessing sa kanyang buhay ang actor/producer at direktor na si Coco …

Andres Muhlach Bagets The Musical

Aga pinaiyak ni Andres;  Charlene, Mommy Elvie kinabahan  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IBA-IBANG komento ang narinig namin sa pagbibida ni Andres Muhlach sa Bagets, The Musical. May …