Wednesday , August 20 2025

Pagsasalpukan nina Angel at Anne, inaabangan

INAABANGAN ngayon kung aling pelikula ang mas kikita dahil parehong tungkol sa LGBT (Lesbians, Gays, Bisexuals and Transgenders) ang tema. Magkasunod na ipalalabas ang The Third Party nina Angel Locsin, Sam Milby, at Zanjoe Marudo sa gay movie nina Anne Curtis, Dennis Trillo, at Paolo Ballesteros na Bakit Lahat Ng Guwapo, May Boyfriend? Sino raw ang mas hot, si Angel o si Anne?

Pinagtatalunan ngayon ng netizens kung aling pelikula ang mas maganda at nakaaaliw. Pero base sa trailer, aliw at panalo ang The Third Party. Misteryoso naman ang Bakit Lahat Ng Guwapo, May Boyfriend dahil si Anne lang ang nagsasalita. Parang pang-WattPad ang dating.

Nauuso ang ganitong tema ng movie at sana naman ay parehong kumita.

Nauna na ang Regal Films na magpalabas ngayong taong ito ng gay movie na That Thing Called Tanga Na.

Ayaw din pakabog ang mga lesbian movie. Dahil may ganitong tema sina Louise Delos Reyes at Jasmine Curtis-Smith para sa Cinema One Originals titled Baka Bukas Pwede. Open nga si Louise sa kissing scene kung kinakailangan.

Pero wala pa kaming natatandaang lesbian movie na kumita at kinagat ng moviegoers. Mas effect pa ang mga gay movies.

Kahit ang T-Bird At Ako nina Nora Aunor at Vilma Santos hindi ganoon ka-hit sa takilya. ‘Yung ibang lesbian movie  o may lesbian scene gaya nina Maui Taylor at Rica Peralejo, Maricar De Mesa at Ynez Veneracion, Andrea Del Rosario at Mylene Dizon ay mga so-so lang sa takilya at forgettable na. Hindi na nga namin maalala ang title ng mga movies nila na may tema ng katomboyan.

Pak! Ganern!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Belle Mariano Carlo Katigbak Mark Lopez Cory Vidanes Rick Tan Laurenti Dyogi Edith Fariñas

Belle Mariano naiyak matapos pumirma ng kontrata sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PUMIRMA sa kauna-unahang pagkakataon ng kontrata kahapon si Belle Mariano sa …

Joel Cruz Aficionado Bangong Milyones Jingle

Joel Cruz patuloy na mamimigay ng milyones

MATABILni John Fontanilla PATULOY ang pamimigay ng papremyo ng Lord Of Scents Joel Cruz, CEO …

AZ Martinez Pia Wurtzbach Catriona Gray

AZ Martinez gustong maging Ms Universe tulad nina Pia at Catriona

MATABILni John Fontanilla QUEEN material ang dating ng ex-PBB Collab 4th placer na si AZ …

Lizquen Liza Soberano Enrique Gil

Liza Soberano 4ever na pramis kay Quen ‘di natupad

MA at PAni Rommel Placente HINDI napanindigan ni Liza Soberano ang sinabi niya kay Boy …

Atasha Muhlach R-Boney Gabriel Maine Mendoza

Atasha, R-Boney, Maine iniintriga 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang hindi napapanood sa Eat Bulaga! sina Atasha Muhlach …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *