Sunday , April 28 2024
blind mystery man

Hubaderong indie actor bading

KAIBIGAN namin ang girl na ex ng indie actor na sumikat noong early 2000 at kung paniniwalaan ang kanyang kuwento ay bading raw ang dating karelasyong aktor na mabait sa kamera pero off cam ay mahadero.

Noong kasikatan raw ni nasabing matangkad na actor at in-demand sa paggawa ng kaliwa’t kanang indie ay lagi raw excited lalo na kapag may eksena sa kapwa lalaki na may laplapan at bed scene. At matindi raw ang excitement nito nang magkasama sila sa isang project ng kapwa indie actor na sikat na sikat ngayon sa mainstream television at movie kasi type pala niya.

E grabe ‘yung eksena nilang hubaran talagang mula umpisa hanggang ending ng movie ay iba’t ibang posisyon ang kanilang ginawa kaya siguradong nag-take advantage ang bida nating actor na BI sa

kapareha niya na malaki na ang pangalan sa industriya. Ngayon magnasa man ay hanggang ilusyon na lang siya dahil graduate na ang kinaelyahang kapwa actor sa paggawa ng indie.

Zinolala ang Darnang Indie actor?

Kaapelyido niya ang beteranong multi-awarded actor.

Yes, Pak ganern gyud!

TIKBOYONG NI MCCOY DE LEON

SA WANSAPANATAYM PRESENTS

PUMAPALO SA 30% + ANG RATINGS

Pinatunayan ni McCoy de Leon, na marami siyang fans at majority rito ay very supportive sa kanyang career at mga project na ginagawa sa ilalim ng mother network na ABS-CBN.

Every Sunday ay tinututukan talaga ng mga tagahanga ni McCoy ang pinagbibidahang episode sa Wansapanataym Presents: Tikboyong na pumapalo sa lampas 30% ang rating bawat episode. Last September 18 ay nagkamit ang Tikboyong ng rating na 32.6% base sa survey ng Kantar Media: National TV Ratings.

Well bukod sa maganda ang performance ay kaabang-abang namin kasi ang kuwento ng Tikboyong na may powers ng Tikbalang si Boyong (De Leon) na palaban sa insecure sa kanyang si Atom (Alex Diaz) at mga barkada nito. Hindi kasi matanggap ni Atom na kay Boyong may gusto ang babaeng mahal na si

Sassy played by Jane de Leon. Kaya lahat ay gagawin ni Atom para mapabagsak si Boyong, magtagumpay naman kaya siya?

Mapapanood ang Tikboyong ngayong Linggo ng gabi sa Kapamilya network.

TUESDAY VARGAS WEEKLY WINNER

SA SCUBA DIVE-OKE WITH A SELFIE,

SINO ANG TATANGGAP NG HAMON

SA MR. DIVA WITH HIGH HEELS

Kinabog ni Tuesday Vargas sa weekly finals ng Challenge Accepted na ang hamon ay pagalingan sa Scuba Dive-oke with a Selfie sina Wilma Doesnt, Jake Vargas, RJ Padilla at Anton Diva.

Hanep naman kasi talaga ang performance ni Tuesday na feeling mo ay nasa floor lang ng stage habang kumakanta at duma-dive at sume-selfie pa sa ilalim ng malaking aquarium kaya naman siya ang nag-stand out sa 37 judges at wagi siya ng P25K cash.

Ngayong Lunes, ang mga actor naman ang hahamunin ng Eat Bulaga sa kanilang Mr. Diva with High Heels sa Challenge Accepted. Sasayaw sila sa saliw ng mga hit nina Beyonce, Britney Spears, Rihanna atbp.  Nagbigay ng sample ang Kapuso matinee idol na si Miguel Tanfelix na bibida kasama ang ka-loveteam na si Bianca Umali mamayang 5:00 p.m. sa unang episode ng Usapang Real Love na “Dream Date.” Makakasama ng dalawa ang hunk actor na si Jak Roberto. Ang galing ni Miguel sumayaw na naka-heels kaya may “K” siyang tawaging Mr. Diva.

Abangan ‘yan araw-araw sa Bulaga gyud!

BACK TO BACK – Peter Ledesma

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *