Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel, sa ulo raw madalas halikan si Kathryn

NAGPE-PLAY time lang siguro sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardodahil hirap nilang aminin kung naghahalikan na sila off-cam. Ang inamin lang nila ay ang on-cam kissing na napanood na Barcelona, A Love Untold.

But in fainess, ‘pag-off-cam wala namang lips to lips na nangyayari pero hinahalikan lang daw ni Daniel si Kath sa ulo. Ang halik na ito’y nagpapakilig lalo’t sinasabing naghihintay lang  ang aktres na halikan ito.

Naganap ang tsikahang ito nang mag-guest sila sa Gandang Gabi Vicena walang malisya ang pag-amin ni Daniel na ang tawag sa telepono ni Kathryn ang nagpapatayo sa kanya sa umaga. Dapat daw kasing sagutin agad niya ito kung hindi, mapapagalitan siya.

Ayon naman kay Kath, kailangan niyang tumayo agad at magbihis dahil sa kanya hinahanap si Daniel. Siya ang tinatawagan ng mga staff para sa showbiz commitments ng aktor.

“Nagtataka nga ako dahil sa akin hinahanap si Daniel eh, hindi naman kami magkasamang natutulog. Si Daniel naman, kapag tinawagan na ‘yan ay kailangan nakabihis na ‘yan kasi ako ang tinatawagan kapag may appointment ‘yan. Sa umaga, ako ang nagigising ng maaga, ‘pag gabi naman si Daniel naman ang buhay.  So balance.”

Nakaaaliw pagmasdan ang dalawa lalo pa’t walang katapusan ang kanilang holding hands kahit ayaw nilang umamin na may relasyon na.

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …