Monday , October 14 2024

Nathalie Hart, todo ang love scene at pagpapa-sexy sa Siphayo

AMINADO si Nathalie Hart na hindi madali para sa kanya na tanggapin ang pelikulang Siphayao ng BG Productions ni Ms. Baby Go. Kabado raw siya nang nakipag-usap sa director nitong si Joel Lamangan. Muntik pa nga siyang umatras dahil sa mga daring scenes at nudity sa pelikula.

Todo-daring ang role rito ni Nathalie kaya may mga ilang eksena na napaiyak siya dahil hindi niya talaga makayang maghubad nang todo. Kailangan pang ipaliwanang sa kanya nang mabuti kung bakit kailangang gawin ang mga naturang daring scenes.

“When I read the script, I’m shocked but very excited. It’s really a role of a lifetime, kaya hindi na ako nag-inarte. My role as Alice is so complex, very manipulative, very sexy and unpredictable,” kuwento ni Nathalie.

Dagdag niya, “Ang masasabi ko na lang, happy ako na ginawa ko ang project, kasi base sa mga feed back na nakararating sa akin pinuri nila ang pelikula, pati ang acting ko.

“Kaya happy ako na nagawa ko ang pelikulang ito. Hindi lang dahil si Direk Joel, kundi ibang project talaga ito na hindi lang basta-basta kayang gawin ng iba. I’m happy na tinanggap ko ang project at ginawa ko ito.”

Shocking ang kuwento ng Siphayo dahil hindi lamang pagsasaluhan kundi pag-aagawan ng mag-aama si Nathalie na mauuwi sa bayolenteng trahedya. Si Alan Paule ang tatay, si Ma. Isabel Lopez ang asawang maysakit ni Alan at mga anak nila sina Luis Alandy at Joem Bascon. May asawa na si Luis dito, si Elora Espano. Magugulo ang mundo nila sa pagdating na napakagandang nurse na si Alice played by Nathalie.

Sinabi ni Nathalie na dream come true na makatrabaho niya si Direk Joel.

“Siyempre po napakahirap nang ginawa ko na, magpakita ng skin, maghubad. Mayroong frontal nudity, pero siyempre ay hindi naman namin ipakikita ‘yung bandang ibaba, pero para sa isang babae na maghuhubad ka na maraming tao sa paligid, napakahirap po niyon. Iba kasi kapag nandoon ka sa pelikula na nagsu-shoot pa lang kayo at iba ‘yung pinapanood na ito, na na-edit na.

“Pero… basta ang masasabi ko lang, mas naging feeling confident ako dahil dito. And dream come true na maidirek ako ni Direk Joel.

“Hindi ko pa po napapanood ang movie, teaser pa lang ang nakita ko. Kaya excited akong makita ang kabuuan nito,” nakangiting pahayag ng tisay na aktres.

Puring-puri naman ni Direk Joel ang tatlong bidang lalaki at si Nathalie. Bukod kasi sa walang kiyeme ay napakahusay nilang umarte, wala kang itatapon, patalbugan din daw silang tatlo sa aktingan.

“Ang galing ni Alan Paule, palagi naman si-yang magaling. Si Luis napaka-seryosong aktor, napaka-expressive ng kanyang mukha at si Joem napaka-natural na aktor, nakuha niya ang look ng inosenteng anak na bunso na hindi pala totoong inosente.

“Hindi rin nagpahuli si Ma. Isabel Lopez, mukha si-yang may kan-ser sa pelikula bumagay sa kanya ang role. Gustong-gusto ko rin si Elora Espano, hubad kung hubad at malalim, palibhasa stage actress from UP. At siyempre, ipinagmamalaki ko si Natalie Hart, ang galing-galing niya dito sa Siphayo,” pagmamalaki ni Direk Joel.

Ang Siphayo ay hindi puro hubaran at love scene lamang, dahil kahit siksik ito sa mga eksenang nudity at karahasan ay binigyan ito ng MTRCB ng R-16 ratings without cuts. Binigyan ng konsiderasyon ng MTRCB ang maayos na pagkagawa sa pelikula, magandang sinematograpiya, mahuhusay na pagganap ng mga artista, at social message sa kabuuan ng kuwento ng pelikula.

Ang Siphayo ay ipalalabas na sa October 5 in selected theaters nationwide at magkakaroon ito ng premiere night sa October 3 sa SM Mega-mall. May world premiere din ang Siphayo sa New York ngayong October.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Male star aasa sa tulong ni gay friend sa pagpasok sa politika

ni Ed de Leon KAYA pala nag-file ng COC ang isang male star ang akala niya ay …

Mark McMahon

Mark McMahon balik ‘Pinas

HATAWANni Ed de Leon NAGBALIK na pala si Mark McMahon, matagal din siyang nawala at walang …

Julie Anne San Jose Church

Julie Anne ‘di dapat sisihin, Sparkle at organizer may pagkukulang

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng Sparkle ang kasalanan sa nangyari kay Julie Anne San Jose na kumanta sa …

Cecille Bravo RS Francisco

Ms. Cecille Bravo, planong magprodyus ng pelikula kasama si RS Francisco

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio BILANG pagkilala sa kakaibang suporta at kabaitan sa mga member …

kylie Robin Padilla Aljur Abrenica

Kylie may patama kay Aljur — a great leader is a man who can lead his family

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UY, grabe pero sapul na sapul nga yata si Aljur Abrenica sa cryptic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *