ANAK ng showbiz.
Hindi na raw mawawala pa ang passion sa pagganap ng anak ng showbiz na si Aiko Melendez. Kaya naman nang makatanggap na siya ng awards, lalo na ‘yung sa ibang bansa na siya kinikilala, talagang puspusan na si Aiko sa lalo pang pagpapahusay sa kakayahan niya sa pag-arte.
“I want to outdo myself in every task I do sa mga ginagampanan ko. Kaya pelikula man ‘yan o TV, buhos na lahat ‘yun. Kaya lalo lang akong nagiging inspired sa role ko in ‘Barcelona: A Love Untold’ as the aunt of Daniel Padilla, may iba pa rin akong inilabas sa katauhan ko sa ugnayan namin in the story. May mga breakdown scene rin ako rito. Challenging. And ang bonus doon eh, ‘yung nakasama ako sa Spain to do my scenes with KathNiel. Sabi ko nga, working with them has given me the opportunity na mapatunayan kung bakit si Daniel talaga ang gusto kong maging peg ni Andre, my son when it comes to someone whom he will look up to. At bonus din to be working with ‘the’ Inang Olive Lamasan!”
HARDTALK – Pilar Mateo