NEVER daw nakikialam si Edu Manzano sa lovelife ng anak niyang si Luis Manzano. Ni hindi pa niya nakikitang magkasama sina Luis at Jessy Mendiola. Nasa tamang edad na raw ang anak niya para tanungin pa. Kahit magkaroon ito ng gusot sa lovelife hindi niya ito dedepensahan unless humingi ng payo sa kanya.
“Ibang usapan ‘yun. Kung lumapit sa akin, humingi ng advise, I will help in whatever way I can. You know, I love my son, if you notice every year bumibiyahe ako kasama ‘yung mga bata kasi that’s one way of trying to make up for the years that I wasn’t there dahil sa trabaho. Pero only there, so hindi n’yo ako makikita o maririnig na nagbo-volunteer ng impormasyon o tumatayo at idinidepensa ‘yung anak ko,” deklara ni Edu.
Okey din daw sa kanya kung gustong mag-asawa na ni Luis dahil 35 na siya. Bahala na raw ito sa buhay niya.
TALBOG – Roldan Castro