Saturday , April 27 2024

Arci, handang magpaka-daring para sa isang proyekto

GRABE ang pasasalamat  ni Arci Munoz sa ganda ng career niya ngayon. Sey ng aktres, feeling niya ay dahil igina-guide siya ng ama niyang yumao noong Pebrero.

“My dad just passed away last February, when I was doing ‘Always Be My Maybe’. And then after that, ang ganda ng naging takbo ng lahat.

“So, feeling ko, alam ko, nararamdaman ko na gina-guide niya ako and I’m really, really thankful,” sambit ni Arci.

“Alam ko, si Lord, pinrepare niya lang ako, sa tagal ng hinintay ko, ano ko lang ‘yun, journey ko lang para mas maging mabuti ako sa craft ko.

“And I’m really, really thankful. I have no words talaga. Kay direk RSB (Ruel S. Bayani, business unit head ng ‘Magpahanggang Wakas’ at ‘Pasion de Amor’). Kasi I started with him when I transferred dito sa ABS-CBN. Thank you po sa napakagandang opportunities,” sey pa ni Arci.

First time magkatrabaho sina Arci at Jericho Rosales. Kumusta naman katrabaho si Jericho?

“Wala akong masabi riyan, sobrang galing. Makes me harder para pagbutihan ko pa ‘yung akting ko. At siya na yata ‘yung pinaka-humble na artistang nakatrabaho ko. Pagdating sa set, babatiin niya lahat. And very professional.”

Nagpaka-daring ba siya sa serye na ito?

“Basta hinihingi ng character o istorya, ginagawa ko, hindi naman siya bastos. Alam ko naman na inaalagaan nila ako .At may limitasyon din naman ako,” pakli niya.

Bukod kina Arci at Jericho, mapapanood din sa Magpahanggang Wakas sina Gelli De Belen, Rita Avila, Danita Paner, Liza Lorena, Lito Pimentel, Justin Cuyugan, Marco Gumabao, Maika Rivera and Jomari Angeles. Sa September 19 na ang pilot episode ng  Magpahanggang Wakas pagkatapos ng Till I Met You.

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *