Saturday , May 4 2024

Utol ng aktres miyembro ng drug syndicate

TINIYAK ng awtoridad na miyembro ng malaking sindikato at dati nang naaresto sa pagtutulak ng shabu ang kapatid ni Maritoni Fernandez, na pinaslang ng hindi nakilalang mga suspek nitong Linggo, ayon sa Quezon City Police District (QCPD).

Sinabi ni QCPD chief, Senior Supt. Guillermo Eleazar, natimbog ang biktimang si Ma. Aurora Moynihan at pitong iba pa sa isang buy-bust operation sa Taguig noong Pebrero 28, 2013.

Pansamantalang nakalaya si Moynihan makaraan maghain ng piyansa. Nakasalang sa isang korte sa Taguig ang kaso niyang kaugnay sa pagbebenta ng droga.

Linggo ng madaling-araw, natagpuan ang bangkay ni Moynihan sa Corinthian Hills Subdivision sa Quezon City. Katabi niya ang isang karatulang may mensaheng, “Pusher ng mga celebrities, kasunod na kayo.”

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
MWP, ILLEGAL GUN OWNER, KAWATAN NG MOTOR NASAKOTE

ARESTADO ang tatlong indibiduwal na pawang lumabag sa batas sa sunod-sunod na operasyon na isinagawa …

Bulacan ilog dredging

Limang ilog sa Bulacan bumabaw  
282-M METRO KUBIKONG BURAK AT PUTIK IPAHUHUKAY NA

AABOT sa 282.02 milyong metro kubiko ng burak, putik at basura ang target alisin sa …

shabu drug arrest

2 katao arestado, P.387-M shabu kompiskado

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang dalawang katao kabilang ang isang high value individual …

Arrest Posas Handcuff

Tinakot pa ng baril
MISTER KALABOSO SA PAG-UMBAG NG LIVE-IN PARTNER

SA KULUNGAN bumagsak ang isang ‘matapang’ na mister matapos dakpin ng pulisya dahil sa reklamong …

Vaccine

Banta ng HPV inaagapan libreng bakuna sa mga bata sa public schools inilunsad

INILUNSAD ng PGB, PHO-PH ang magkasanib na inisyatiba para labanan ang mga banta ng HPV …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *