BIKTIMA ng basher ngayon si BB Gandanghari dahil sa ginawa niyang sexy pictorial.
Ikinukompara siya sa mas kaaya-ayang tingnan na si Paolo Ballesteros sa kanyang make-up transformation kaysa kanya. Mas bata, sariwa, at babaeng tingnan daw si Paolo kaysa kanya.
Kawawang BB dahil sinasabihan ng netizens na manahimik na lang daw at masyonda na.
Kailangan pa raw ni BB ng maraming hormone shots para magmukhang babae. Halata pa rin daw itong lalaki dahil sa laki ng adams apple. Hindi maganda ang feedback ng kanyang sexy pictorial sa kanyang Instagram account. Marami ang napapa-iwww at napapa-yuck. Nakauumay daw.
Sana raw ay umayos si BB sa edad niya.
Sobra talaga manlait ang mga inggitera riyan. Hayaan nga si BB kung saan siya masaya. Wala naman siyang ginagawang masama at tinatapakang tao, ‘no? Wala siyang kapwa na sinasaktan kaya kayo ang manahimik. At saka Instagram account niya ‘yun, karapatan niyang ilagay kung ano ang gusto niyang ilagay.
Pak! Ganern!
TALBOG – Roldan Castro