Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yen, 3 taon ng single

KABILANGdin si Yen Santos sa New  Millennial Regal Babies dahil pumirma siya kamakailan ng  non-exclusive contract sa Regal Entertainment,Inc.  nina Ms. Roselle Monteverde at Mother Lily Monteverde.

Masuwerte si Yen dahil hindi siya tinanggihan ni Piolo Pascual na maging leading lady sa Once In A Lifetime. Malaking break talaga kay Yen na si Papa P ang kasama niya.

Hindi maiwasan ni Yen na ma-starstruck habang kaeksena si Piolo. Sobrang guwapo raw nito at hindi niya maiwasang ma-distract. Pero nakatulong daw ‘yung bonding at kuwentuhan nila  bago umuwi kaya naging komportable na siya.

Anyway, single ngayon si Yen. Tatlong taon na raw na wala siyang boyfriend. Itinanggi niya na naging sila ni Arron Villaflor. Nanligaw daw ito pero hindi naman niya binasted. Pinatigil daw niya ito dahil naiilang siya. Mas comfortable raw siya na magkaibigan lang sila.

Inamin din niya na na-hurt talaga siya sa paghihiwalay nila noon ni Jason Abalos.

“‘Yun po ang pinaka-heartbreaking. Natuto na ako sa sarili kong experiences,” deklara pa niya.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …