LUTONG kontesera!
Magpapaiyak sa role na gagampanan niya si Kim Chiu kasama si Sylvia Sanchez sa isang kuwento ng buhay sa Sabado, Agosto 27, sa MMK (Maalaaa Mo Kaya).
Dahil sa sinapit ng kanilang carinderia na natupok ng apoy, napilitan ang mahiyaing si Jeany na sumali sa isang beauty contest sa kanilang kolehiyo sa susog na rin ng kanyang propesor at mga kamag-aral para maalis ang pagka-mahiyain niya at makatulong sa kanilang kalagayan kung palaring manalo.
Na nang maranasan naman eh kinahiligan na ang maging kontesera hanggang sa makatapos naman siya ng kurso.
May sorpresa sa dulo ang mga writer na sina Jaymar Santos Castra at Arah Jell Badayos sa mga eksena ni direk Dado Lumibao sa mga naging challenge naman nila for Kim sa kanyang naiibang pagganap sa longest drama anthology sa Asya na talagang inaabatang masalangan ng lahat ng aktor sa bansa!
HARDTALK – Pilar Mateo