SHOCKED si Lovi Poe sa pagsasalita ni Rocco Nacino sa isang presscon hinggil sa break-up nila na tila sinasabi nito na ang aktres ang nakipaghiwalay.
“I was shocked at what he said but yes, it’s true. But I feel weird saying it. But he’s accepted it,” reaksiyon ni Lovi .
Maayos naman daw ang paghihiwalay nila at hindi dumaan lang sa text. Pakiusap lang ni Lovi, pahalagahan ni Rocco ‘yung dalawang taon na nagkarelasyon sila kahit magkaiba na ang mundo nila.
“It doesn’t mean na porke break na kami, hindi ko na naiisip ang kapakanan niya. Siyempre, naiisip ko na sana, he’s doing fine enough. It’s just that things are just different now,” bulalas ni Lovi.
Talbog!
TALBOG – Roldan Castro