Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagkikita nina Chavit at Pia, ‘di totoong itinago

00 fact sheet reggeeSA nakaraang pa-dinner ni ex-Governor Chavit Singson ay natanong siya kung okay pa rin bang lumaban ulit si Sen. Manny Pacquiao sa November? Nagsabi na kasi rati ang Pambansang Kamao na hindi na siya lalaban ulit at ang pagiging public servant na ang aasikasuhin.

“Mas maraming ‘di hamak na gustong lumaban siya, eh. Nangako nga siya pero mas maraming may gustong lumaban pa siya hindi lang dito sa Pilipinas, kundi sa buong mundo at puwede naman nating ipagmalaki ang nagawa ni Manny Pacquiao sa ating bansa, nakilala naman ang Pilipinas dahil sa kanya.

“So, ‘yung mga nagsasabi ng negative sa kanya, mga nainggit, walang magawa, naninira, mayroong ganoon, eh,” pahayag ni Manong Chavit.

At kilala raw ang makakalaban ni Manny na si WBO welter weight champion Jessie Vargas sa darating na Nobyembre sa Las Vegas, Nevada.

“Oo, kailangan ‘yung pinakamagaling ang ilaban nila para kumita ang sponsors. Lahat ng ilalaban sa kanya (Pacquiao) magaling din, hindi puwedeng hindi,” say ni Governor Chavit.

Natanong kung isa si Pacman sa hurado sa 2017 Miss Universe Beauty Pageant,”ewan ko lang, hindi ko alam kung sino ang kukuning judges nasa organizer ‘yan.”

Samantala, kung sakaling kumita raw si Manong Chavit sa malilikom niyang sponsors para sa Miss U ay magiging transparent daw siya dahil ibibigay daw niya ito sa charities at hindi pa niya naiisip kung ano-ano ang mga ito.

Tinanong din kung bakit lihim daw ang pagkikita nina governor Chavit at 2016 Miss Universe Pia Wurtzbach dahil wala raw nasulat o coverage na ginanap.

“Hindi naman, ano lang nagkita kami kasi part siya ng Miss Universe, siya ang magtu-turn-over kasi (korona).

“Okay naman si Pia, nakikipag-coordinate kasi lahat ng sabihin ng Miss Universe sa kanya, ginagawa niya.

“Ako nakikipag-coordinate sa mga sponsor pero Miss Universe pa rin ang magpapatakbo kasi buong mundo ‘yan.

“Continuous naman ang meeting at hindi naman itinago ‘yun, ‘pag nag-meeting ang Miss Universe (organization), kasama siya (Pia),” pahayag pa ni Manong Chavit.

Nagandahan ba si Governor Singsong kay Pia? ”Eh, siyempre Miss Universe, eh. Maganda naman si Pia, puwedeng ipagmalaki.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …