Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Isabelle, nilinaw na wala silang gap ni Cristine

00 fact sheet reggeePABIRONG sinabi ni direk Ruel S. Bayani sa nakaraang bonggang pasasalamat presscon ng Tubig at Langis na ilang araw na lang mapapanood ito, ”ayoko namang sabihing ikakasal na kasi si Issa (tawag niya kay Isabel) kaya matatapos na ang ‘Tubig at Langis’, kasi ano pa ang mangyayari kapag nawala siya?

“Let her (magpakasal), at saka patapos na rin naman talaga ang show, sabi sa amin i-extend pa, pero sa akin, wala na tapos na talaga kaya nagpapasalamat talaga ako sa lahat.”

Kaya naman tinutukso si Isabel na dahil daw sa kanya kaya magtatapos na ang TAL.

Kinumusta naman ang dalaga tungkol sa nalalapit niyang kasal.

”Well right now inaasikaso ko ‘yung papers kasi napakaraming requirements sa Italy so that’s what I’m busy with.

“I feel good naman, a bit stressed but in fairness with the ‘Tubig at Langis’ family they have been supportive to me

“Alam mo we gave a 110 percent dito sa huling linggo, parang ibinigay na namin lahat. We are so passionate about this project and we’re so happy with the turnout at sa response ng mga tao. Talagang inaabangan nila.

“Minsan nasa parlor ako sinasabi nila ‘Alam mo wala kaming client tuwing 4:15 kasi gusto namin lahat manood.’

“Pati ‘yung mom (Gloria Diaz) ko sinasabi niya ‘Alam mo ‘yung mga friend ko they ask me ano ‘yung ending’ so pati ‘yung friend ng mom ko so nakakikilig at nakatataba ng puso,” masayang kuwento ni Isabel.

At nagkatawanan din ang lahat kung sino ang peg ni Isabel sa pagiging kontrabida dahil ang galing-galing daw niya, ”my mom (Gloria), ‘di ba? But I love my mom.”

Nilinaw din ni Isabel na okay sila ni Cristine Reyes at hindi totoong may gap sila.

“I guess siyempre laging may issue especially ‘pag bida-kontrabida but Cristine and I have a good relationship.

“We’re not the best of friends like I don’t text her everyday pero ‘pag kailangan I do reach out to her. Pati siya she reaches out to me and I admire Cristine as an actress, ang dami kong natutuhan sa kanya,” say ni future Mrs. Adrien Semblat.

Si Adrien ay country manager ng Adidas Philippines na ilang beses binasted muna ni Isabel bago naging sila at sa Setyembre 10 na ang kasal nila sa Italy.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …