Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tambalang Vina at Ariel, may chemistry at may kilig

00 fact sheet reggeeNARIRINIG din daw ni Vina Morales na maraming kinikilig na viewers sa kanila ni Ariel Rivera sa seryeng Born For You na kasalukuyang umeere ngayon sa ABS-CBN na pinagbibidahan nina Elmo Magalona at Janella Salvador.

Ayon sa mga viewer na nanonood, mas may kilig daw kasi ang chemistry nina Vina at Ariel kompara kina Ariel at Ayen Munji-Laurel na gumaganap na asawa ng aktor.

At ang reaksiyon ni Vina nang tanungin namin kahapon tungkol sa love team nila ni Ariel, ”ha, ha, ha oo nga raw may chemistry kami sa screen.”

Hectic ang schedule ngayon ni Vina dahil bukod sa taping ng Born For You ay may mga on the side shows pa siya sa loob at labas ng bansa kaya naman sobrang nagpapasalamat siya.

“Busy with tapings for ‘Born For You’, tapos maraming out of the country shows pa thru TFC, sobrang daming blessings Regs, kaya walang dapat ireklamo,” sabi ng aktres at mang-aawit.

Pero hindi naman kasama si Vina sa ASAP in NYC (New York City) sa darating na Setyembre 3 dahil may prior commitment siya.

Okay lang naman daw sa anak niyang si Ceana na laging wala ang mommy niya dahil nga nagtatrabaho ito para sa future niya.

Humingi kami ng update kay Vina sa kasong isinampa ni Cedric Lee na ama ng anak niya kahapon.

“No comment muna ako, Regs, nasa Fiscal naman na,” pakiusap sa amin.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …