DALAWANG linggong mananatili sa Greece sina Nadine Lustre at James Reid para kunan ang mahahalagang eksena sa kanilang bagong teleserye sa Kapamilya Network na may temang LGBT ang Til I Met You.
Bumiyahe nga ang sikat na loveteam after ng kanilang launching bilang bagong dagdag na endorsers ng Bench na ginanap sa Music Hall ng Mall Of Asia. Inirampa ng dalawa ang mga bagong collection na talaga namang magaganda at in na in sa mga katulad nilang kabataan sa makabagong milenyo.
First time bumiyahe ng dalawa sa Greece at nga isa sa excited ng gagawin nila ay ang kumain ng Greek exoctic foods at pasyalan ang mga tourist spots doon.
MATABIL – John Fontanilla