MAY mga nagtatanong kung makalulusot daw kaya ang baguhang Yen Santos na bini-build up ni Mother Lily Monteverde para sa pelikulang ipo-prodyus ng Regal Films?
Sadyang kinuha pa ni Mother Lily si Piolo Pascual para itambal kay Yen. Malaking challenge tuloy kay Piolo kung kaya ba niyang mapasikat si Yen.
Wala namang problema kay Yen dahil maganda at mahusay daw umarte bukod pa sa batambata. Ang problema lang ay kung bakit nag-iisip mapasikat si Yen na hindi cinematic ang name na parang name ng isang high school student na malapit ng mag-graduate.
Mahalaga rin kasi na may dating ang pangalan ng artista.
SHOWBIG – Vir Gonzales