NOONG August 2 ay ipinagdiwang ni Dingdong Dantes ang kanyang ika-36 birthday. At ang birthday wish sa kanya ng misis niyang si Marian Rivera ay maging safe raw ito palagi.
Kasi ngayon daw ay nagta-triathlon daw si Dingdong, nagba-biking daw ito. Nagwu-worry daw siya para sa actor. Pero lahat naman daw ng gusto ni Dingdong ay sinusuportahan niya, basta palagi na lang niyang sinasabi rito na mag-ingat lagi.
Hindi nagkaroon ng malaking party si Dingdong noong birthday. Mas pinili niyang i-celebrate ito ng simple sa pamamagitan ng isang boodle fight.
MA at PA – Rommel Placente