Thursday , June 4 2026

Hero’s burial kay Marcos OK kay Duterte (Militante 1 buwan mag-rally)

ISINANTABI ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pagbatikos sa pagpapalibing kay dating Presidente Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani dahil kuwalipikado ang dating pangulo sa “hero’s burial.”

“I will allow the burial of Marcos in the Libingan ng mga Bayani. As a matter of fact, I voted for him during his first term,”ani Duterte sa press briefing sa burol ng mga namatay na sundalo sa Camp Panacan, Davao City.

Hinamon niya ang mga kontra sa pagpapalibing kay Marcos na magdaos ng rally sa mga kalye ng isang buwan at papayagan niya.

“Kung ayaw ng ibang Filipino fine. Mag-demonstrate, go ahead. You can use the streets, one month,” ani Duterte.

Napaulat na ililibing sa Libingan ng mga Bayani si Marcos sa Setyembre 18.

Nakalagak ang labi ng dating presidente sa isang refrigerated crypt sa Laoag, Ilocos Norte mula nang bumalik sa bansa ang kanyang pamilya galing  sa Hawaii noong dekada ’90.

( ROSE NOVENARIO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …