Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

May gamit pa kaya ‘di tinigok!

SABI ng balita, babalik na ngayong Setyembre ang isang gay talent ng isang noontime show.

Pero ang nakapagtataka, ‘yung isa pa nilang talent na matagal din naging loyal sa kanilang show ay parang permanente na nilang tinigbak.

Por que?

Dahil ba wala na siyang gamit lalo’t halata na ang kanyang pagkakaedad?

Que miserable usted. Hahahahahahahahahahaha!

Anyway, as the news would have it, the lovely gay talent who happens to be an expert make-up artist on the side, is going to be back this September.

His fans naturally are rejoicing and this unexpected bit of news is welcomed with so much rejoicing.

Well, ganyan talaga kapag may gamit ka pa at pakinabang. Somehow, bini-bend nila ang kanilang mga rules para i-accommodate ka.

Pero kung wala ka nang pakinabang tulad sa aging actor na mukhang wala nang promise ang showbiz career, ililigwak na lang na para bang discarded toy na wala nang gamit.

How so very sad!

Anyway, napatunayan ng gay actor na there’s life after his noontime show. Hayan at dalawang indie movie yata ang kanyang nagawa at marami rin nag-a-avail sa kanyang services as a hair and make-up man of some renown.

Bongga, ‘di ba naman? Hahahahahahahahahaha!

Besides, the gay actor is still relatively young and appealing as well.

‘Yun naman kasing aktor na tinigbak kasabay niya ay parang lantang katuray na ang dating at parang panat na pipino na ang ‘kakutisan.’

Parang panat na pipino na raw ang kakutisan, o! Harharharharharharhar!

Dapat kasi ay inalagaan din niya ang kanyang hitsura para may career pa rin siya mereseng almost fifty na siya.

Going back to the relatively young gay actor, nagkaroon pa yata siya ng international recognition kaya lalong bumilib sa kanya ang noontime show na kanyang kinabibilangan.

‘Yun nah!

Sumama na rin sa botox society!

051316 Cristina romualdez
Hahahahahahahahahaha!

Hindi pa naman katandaan pero naengganyo na rin magpa-botox si Cristina Gonzales-Romualdez.

Tulad ni Greta Baretta at Ruffa Gutierrez, prominent na rin ang kanyang cheekbones at sa halip makatulong ay nakabawas pa sa kanyang innate beauty. Hahahahahahahahahaha!

Bakit ba kasi nagpapa-botox pa ang mga babae sa show business gayong hindi naman nae-enhance ang kanilang beauty ng botox na ‘yan.

Far from enhancing it, it tends to destroy the innate comeliness of their faces.

Aba’y marami namang paraan para hindi agad-agad mahalata ang pagkakaedad.

Unang-una na ang oil of olay na napakagandang gamitin sa mukha, apart from the fact that it’s not as expensive.

Imamasahe mo lang sa iyong mukha at presto, malaki ang nagagawa nito para mabawasan ang iyong pagkakaedad.

The earlier you use it, the better.

E, ang botox na ‘yan, parang ginagawang kabakab (Mindoro frog bagah! Harharharharhar!) ang iyong mukha.

Dios mio perdon!

Tigilan na nga ninyo ang pagpapa-inject ng botox dahil sinisira lang ang natural na contour ng inyong mukha.

Magkakaedad naman tayong lahat pero there are some ways to control aging and that is by applying cream on our faces and making it a point to maintain one’s slimness.

Now, if you want to sport the Kabakab look, go ahead. Avail of this botox injections and regret it afterwards. Hahahahahahahahahaha!

Napaganda ng PR ni Chavit Singson

080516 pete chavit
Isang araw at kalahati naming nakasama si Chavit Singson (the whole day of Saturday and Sunday morning) at napuna namin napakabait pala niya.

Kahit na nag-e-enjoy kami sa kanyang bar na may regular singers and dancers, he makes it a point to oblige to the endless seekers of his selfie photos.

Honestly, he doesn’t seem to tire in obliging to the endless throng of people who would want his photos taken with them.

Hindi lang siya nagpapakuha ng picture with them, kinakausap pa niya na para bang old time friends.

Suffice to say, kaya nga raw siya tumakbong konsehal ay dahil gusto niyang makatulong sa nakararami.

Kumbaga, it’s payback time for him at gusto niyang sa sarili niyang paraan ay makatulong siya sa kanila.

How so utterly selfless!

Man of the masses rin siya at never na nang-isnab ng mga taong sa kanya’y humihingi ng tulong.

Lately, tumutulong din siya sa paglikom ng halagang six million US dollars in connection with the Miss Universe beauty pageant na gagawin sa Filipinas sometime in January of 2017.

Pati yate at eroplanong sasakyan ng mga kandidata ay naayos na rin niya sa tulong ng kanyang enormous connections.

Iba talaga si Chavit Singson. No wonder, mahal na mahal siya ni Manny Pacquiao at iba pang pesonalidad na kanyang natutulungan sa abot ng kanyang makakaya.

Pati utol ni James Reid na kulang sa PR ay pinakikisamahan ni Nadine Lustre

080516 jadine lauren reid
Wagas kung magmahal itong si Nadine Lustre.

Imagine, dalawa na pala ang nililibre niya lately.

Nililibre raw, o! Harharharharharharharhar!

kung dati ay si James lang ang nililibre niya at inaalagaan, this time his sister Lauren Reid has become her responsibility, too.

Ang masakit pa, kulang daw sa PR, palaging nakasimangot at may pagka-isnabera ang babae at ang feeling daw she’s doing Nadine a favor most of the time.

Doing Nadine a favor most of the time raw, o! Hahahahahahahahahahaha!

Pero wala tayong magagawa. Nadine is in love and she’s willing to please James supposedly arrogant sister for the love of her boyfriend.

Imagine, siya pang babae ang tagabitbit ng mga pinamili nila nang kanyang senyoritong boyfriend. No wonder, nakataas ang kilay ng best friend ni Nadine na si Yassi Pressman sa lalaki. Kita naman kasi niyang ginagawa nitong parang Aleli Abadilla ang gandarang si Nadine.

Oh, well, we can’t do anything about it.

Nadine’s in love and she’s more than willing to do everything just to please her boyfriend.

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …