Thursday , June 4 2026

‘Balik-alindog’, kailangan na naman ni Juday

SINASABI na sa panahon ni Judy Ann Santos tumigil ang relasyon ng mga reporter at mga artista. Noong araw kasi, close na close ang mga artista sa press. In fact, ang reporter ang nagsilbing bodyguard o kaya PA (na ngayon ay tinatawag ng Road Manager ng mga malalaking network). After kasi ni Juday nauso na ang Road Manager at may wall na ang mga artista with the press lalo na roon sa mga artista na nakakontrata sa malalaking network.

Makakausap lang sila kapag may press conference na ipatatawag ang network.

Hanggang ngayon ay marami pa ring kaibigang reporter si Juday, maski ang nanay niyang si Mommy Carol.

Since malapit si Juday sa press, hindi siya inintriga, basta ang natatandaan ko lang na intriga noon kay Juday ay nang tawagin siyang Siopao Queen dahil nga medyo malaki pa noon ang mga pisngi niya pero natigil ito nang dinibdib ni Juday ang pagpapapayat at pagpapa-sexy.

Napakaganda ng naging transformation ni Juday from being chubby to super sexy at na-maintain niya ito hanggang sa mag-asawa sila ni Ryan Agoncillo. Naging cover pa si Juday sa mga magazine at nakasentro ang usapin sa kanyang pagiging  sexy .

Pero lately, napapansin na medyo lomobo na naman ng kaunti si Juday.

Kapansin-pansin na lumaki na naman ang kanyang pisngi, ang kanyang mga braso at siyempre kasama na ang kanyang balakang at mga hita.

Mukhang nakalimutan uli ni Juday na mag-diet palibhasa masarap kasi siyang magluto.

For sure ayaw na ayaw na ni Juday na matawag ulit na Siopao Queen kaya ngayong may nakakapansin na sa kanya na medyo tumataba na naman, aba  tiyak na magbabalik  alindog program na naman siya.

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …