MAS magiging prosperous ang pagdiriwang ng darating na Kapaskuhan sa pamilya ng Pambansang Bae na si Alden Richards dahil sa rami ng blessings na dumarating sa kanya kompara sa mga nakalipas na Christmas.
Kuwento ni Alden sa kanyang Thanksgiving/get together sa entertainment press, sa Le Reve Pool and Events Place sa QC, “Kami po ng pamilya ko ay mas naging okey sa nakasanayan namin na mga ginagawa.
“Kumbaga, kung madaragdagan man po, blessing na lang po ‘yun kumbaga. Kung ano po ‘yung nakagawian namin like Mahal na Araw o Pasko roon po kami nag-stick kasi rion na po kami lumaki.
“Pero siguro po mas prosperous of course compare to Christmas before.”
Malaki nga ang pasasalamat nito sa mga press na simula pa’y laging nariyan at patuloy na sinusuportahan siya.
Pasasalamat din daw ang gusto nitong iparating sa pamunuan ng GMA7, GMAAC, Tape Office, sa kanyang mga tagahanga, ineendosong produkto at sa lahat ng taong nagtitiwala sa kanyang kakayahan at kumukuha sa kanya.
MATABIL – John Fontanilla