Thursday , June 4 2026
shabu drug arrest

Arestadong ex-mayor, army major, Mindanao drug lords?

CAGAYAN DE ROO CITY – Arestado ang mag-asawa na kinabibilangan ng dating town mayor at aktibong army official sa inilunsad na court search warrant sa Brgy. Kauswagan, Cagayan de Oro City kamakalawa.

Kinompirma ni PDEA agent Ben Calibre ang pag-aresto sa suspek na si dating Maguing Mayor Johayra Bagumbung Macabuat alyas Marimar na tinaguriang bigtime drug lord sa Mindanao.

Arestado rin ang asawa ni Marimar na si Maj. Suharto Macabuat, naka-destino sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Hinuli rin ng mga awtoridad ang anim tauhan ng mag-asawa habang nakompiska ang mahigit P500,000 halaga ng shabu, mga baril at mga sasakyan.

Samantala, mariing itinanggi ng mag-asawa na sila’y drug lords na kumikilos sa Autonomous Region in Muslim Mindanao na kinabibilangan ng Regions 9, 10, 11 at 12.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …