Thursday , June 4 2026
arrest prison

Magdyowang kasapi ng Dugo-dugo arestado

ARESTADO ang mag-asawang hinihinalang kapwa miyembro ng Dugo-dugo gang makaraan makatangay ng P200,000 halaga ng mga alahas at cash mula sa isang babaeng dating OFW sa Sampaloc, Maynila kamakalawa.

Kalaboso sa Manila Police District-Theft and Robbery Section ang mag-asawang sina Alfredo Lacasa y Andaya, 67, at Merycris Igesia y Diosana, 48, makaraan ireklamo ng biktimang si Grace Ann Akiyama, dating OFW, residente sa Ilang-ilang St., Garden Ville Condominuim, Sta. Mesa, Maynila.

Ayon sa ulat kay Chief Insp. Alexander Rodrigo, hepe ng MPD-Theft and Roberry Section, dakong 11:50 am nang maaresto ang mga suspek sa Bustillos St., Sampaloc. (LEONARD BASILIO, may kasamang ulat nina Joana Cruz at Kimbee Yabut)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …