Sunday , November 24 2024

Direk Perci, nanawagan ng suporta sa pelikulang Anino Sa Likod ng Buwan

00 Alam mo na NonieNANAWAGAN sa publiko si Direk Perci Intalan na suportahan ang kanilang pelikulang Anino sa Likod ng Buwan na ipalalabas na sa July 20, 2016. Ang pelikula ay tinatampukan nina LJ Reyes, Luis Alandy, at Anthony Falcon. Ito’y idinirek ni Jun Lana at mula sa IdeaFirst Company and Octobertrain Films.

“Humihingi kami ng suporta sa mga tao please do watch the movies sa cinemas during theatrical release. Sana huwag na nilang i-patronize yung online piracy kasi nakaka-damage hindi lang sa aming producers kundi sa movie industry mismo. Tapos yung iba isine-share pa sa social media like sa Facebook. This appeal is not only for our movie kundi para sa lahat ng local films lalo na iyong lalabas pa lang,” wika niya.

Nanalo na ang Anino Sa Likod ng Buwan ng Best Director para kay Direk Jun sa Pacific Meridian Film Festival sa Russia at Kerala Film Festival sa India. Si LJ naman ay nanalong Best Actress sa Pacific Meridian sa Russia at sa 39th Gawad Urian. Nanalo rin ang pelikula ng FIPRESCI CRITICS PRIZE at NETPAC BEST ASIAN FILM sa Russia.

Nagpahayag din ng pagkalungkot si Direk Perci na kahit nanalo ng awards at Rated-A ng CEB ay nahirapan silang maipalabas ito sa mga sinehan.

“Nakakalungkot for any filmmaker or producer, lalo na ‘pag napatunayan namang maganda ang pelikula nyo tapos di pa rin maipalabas. But nothing against cinema owners. Sinusunod lang nila kung ano siyempre ang tinatangkilik ng audience. Kaya sa audience talaga dapat magsimula ang pagbabago.

“Ganito kasi ang nangyari, after naming nakakuha ng MTRCB permit na R-18 (Approved Without Cuts) at CEB rating (Graded A), naglakas loob na kami na maghanap ng sinehan na puwedeng magpalabas sa Anino Sa Likod ng Buwan.

We expected naman that not many cinemas would be interested kasi art film kami, lalo na’t R-18 siya, alam na namin na hindi ipapalabas ng SM Cinemas. But sabi nga ni Jun, kahit very limited lang na run, okay na with him. Magkaroon lang ng chance ipalabas sa sinehan at mapanood ng audience, lalo na yung mga college students na dapat mamulat sa mga nangyari sa Marag Valley noong 1990’s.

“Natagalan kami makakuha ng response, so humingi na kami ng tulong kay Roselle Monteverde to try their bookers. Then nagulat kami when the bookers told them na isang concern is may pirated copy ng Anino online. We checked and found the site, may poster, may trailer pa kuno, pero dead link naman. Unfortunately, the damage was done. Ang hirap na ngang ipalabas ng film namin, nagkaroon pa ng impression na napapanood na online.

“Fortunately, nagkaroon ng opening sa schedule on July 20 at thankful kami kasi Gateway Cinema and Gaisano Cinema in Davao, Toril, Tagum and Digos were willing to screen Anino. We grabbed the opportunity na kasi baka matagalan pa bago magkaroon ng ganitong chance,” mahabang esplika pa ni Direk Perci.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *