SI Mr. Ricky Lee ang creative manager sa seryeng The Greatest Love na pagbibidahan ni kaya natanong siya kung bakit ang aktres ang napili niya kasama ang creative team.
“Noong unang nag-brainstorm ang creative team, wala pa kaming naisip kung sino (bida) kasi gusto naming sa halip na makasentro sa artista, gusto naming i-develop muna fully ‘yung characters bago namin pag-isipan kung sino-sinong artista ang babagay sa kanila,”paliwanag ng kilalang manunulat.
Ang mga katangiang nakita nila kay Ibyang, ”puwede kasing maging matigas ang karakter and the same time vulnerable. Puwede siyang maging loud at one time and another time naman is quiet, which is the character of Gloria (Sylvia).
“’Yung ang daming contradictions na makikita sa kanyang pagkatao and nakikita namin ‘yun kay Sylvia sa discussion namin. Ayaw namin ang isang nanay na iisa lang ang pagkatao, gusto naming complex siya, maraming contradiction, hindi mo alam kung mahina ba siya, malakas ba siya, masama ba siya, mabait ba siya, mabuti ba siya and nakita namin ‘yun kay Sylvia na kuha niya ‘yun, makukuha niya ‘yun,”paliwanag ni Mr. Lee.
MALINIS NA CR, REQUEST SA PAGBIBIDA
At habang ipinaliliwanag ni Ricky ay seryosong nakikinig naman ang aktres na parang hindi pa rin siya makapaniwalang bida na talaga siya.
Naalala namin ang kuwento ni Ibyang noong storycon nila na tulala rin siya habang ikinukuwento sa kanila ang bawat karakter ng cast ng The Greatest Love.
At nang matapos na itong i-discuss sa lahat at tinanong ang cast kung may question sila at kung may gusto silang idagdag.
“Isa lang nasabi ko (sa creative team), ‘isa lang request ko, puwedeng malinis lagi ang CR o banyo sa location?’
“Wala akong masabi, ang ganda ng kuwento, ang gagaling ng mga kasama ko, ang linaw ng itatakbo ng kuwento ng ‘Greatest Love’ kaya ‘yun na lang nasabi ko, dapat malinis ang cr,” natatawang sabi sa amin.
GUSTONG MARINIG MULA SA MGA ANAK
Bilang ina ay ano naman ang gustong marinig ni Sylvia mula sa mga anak niya pagdating ng araw?
“Gusto kong marinig siguro sa mga anak ko kapag may kanya-kanya na silang buhay, sabihin lang nila sa akin, ‘Ma, thank you, kasi lahat itinuro mo, lahat inayos natin, nagbigayan tayo bilang nanay at anak, hindi tayo nagpataasan ng pride.’
“At saka gusto kong marinig na hindi man ako naging perfect na nanay, makita ko o maramdaman ko na naging okay akong nanay sa kanila,” sabi pa ng aktres.
SIKRETO NG SUNOD-SUNOD NA TRABAHO
At dahil sunod-sunod ang projects ni Ibyang ay tinanong kung ano ang siktreto niya dahil katatapos lang ng fantaseryeng Super D ay mayGreatest Love kaagad siya, sa madaling salita, hindi siya nababakante.
“Siguro, minahal ko kasi ang trabaho, nagpaka-professional ako, hindi ako nagpasaway. The more na tumatanda ako, the more na nag-aaral ako, open ako sa salitang ‘gusto ko pang matuto.’
“Tapos minahal ko ‘yung mga tao sa paligid ko, sa taping, mula sa boss namin hanggang sa utility, ‘yun lang ‘yun, respeto.
“Siguro parati kong sinasabi ito at sa mga anak ko, ito ‘yung key ko sa buhay ko na,’ dire-diretso ang blessings sa buhay ko.’ Ang susi ko kasi sa langit ang nanay ko.
“Kasi naniniwala ako na kapag mabait kang anak sa magulang mo, magiging successful ka, respeto po sa lahat. At sa set, hindi po ako nagpapaka-artista, ipinararamdam ko ang pagmamahal ko sa lahat.
“’Pag rumolyo ang kamera, artista ako, pero kapag off-cam, kaibigan ko lahat, hindi po ako namimili ng tao,” kuwento ng aktres.
GREATEST LOVE NI SYLVIA
At sino naman ang greatest love ng aktres?
“Greatest love ko, ang asawa ko, walang iba kasi first time niyang pumunta (presscon), siya talaga ‘yung mundo ko.
“Ilang beses kong sinasabi na sa panahong ito, hindi ako mabubuhay ng wala ang asawa ko, alam nina Dimples (Romana) ‘to, sa mga kasamahan ko na thankful ako sa project na ito.
“Thankful ako na napunta sa akin ang project na ito kasi ito talaga ‘yung pinaka-magandang nangyari sa career ko, pero alam ng asawa ko na ‘pag sinabi niyang ‘stop ka sa showbiz’ walang dalawang salita na igi-give up ko ang showbiz para sa kanya.
“Pero thankful ako kasi hindi niya sinasabi mula pa noong unang pagpasok ko sa industriyang ito, that was 1989 hanggang ngayon na wala siyang ginawa kundi tumahimik, ngumiti sa akin at suportahan ako,” pagmamalaking kuwento ni ng aktres.
Pilit namang hinihingan ng reaksiyon si Papa Art Atayde (asawa ni Ibyang) pero tumanggi ito, nasambit lang niya, ”masaya.”
Hindi nga sanay maging bida si Ibyang dahil nang tawagin kasi ang cast sa red carpet ay dire-diretsong naglakad si Ibyang at hindi huminto para sa photo-op ng kanyang malaking poster.
“Malay ko ba na may photo-op, dati naman kasi dire-diretso lang ako maglakad, at saka ilang beses lang naman ako uma-attend ng presscon, usually mga bida lang naman ang kasama sa presscon,” katwiran niya.
Pagkalipas ng 27 years ay nakatikim na si Ibyang na masama sa poster. Marami na kasi siyang naging serye, pero pangalan lang niya ang nababasa sa poster o billboard pero walang mukha.
“Masaya, masayang, masaya ako. Nakita ko parang, ano ‘to, ay mukha ko? Mayroon dati puro pangalan ko lang. Sabi nga ng Diyos, ‘In his Time’. Perfect timing lang talaga kaya naniniwala ako,” teary eyed na sabi ni Ibyang.
Wala pang final date na sinabi kung kailan eere ang The Greatest Love pero kung matutuloy sa Lunes, Hulyo 18 ay mapapanood ito bago magTV Patrol.
Kasama rin ni Ibyang sina Aaron Villaflor, Andi Eigenmann, Mat Evans , Dimples Romana, Joshua Garcia, Rommel Padilla at iba pa mula sa direksiyon ni Dado Lumibao mula sa GMO unit.
FACT SHEET – Reggee Bonoan