BALITA namin ay break na sina Kim Rodriguez at Kiko Estrada. Hindi pa naman umaaamin ang dalawa sa kanilang relasyon pero heto’t balita nga na nagkanya-kanya na sila ng landas.
Alam namin noon pa na may relasyon sina Kiko at Kim. Lagi kasi namin silang nakikita na magkasama at sweet sa isa’t isa. At kahit nga hatinggabi na ay magkasama pa rin sila. Nakasabay kasi namin sila noon na dumalo sa birthday party ng aming common friend. Nagulat kami noong dumating sila roon na silang dalawa lang.
Nang lokohin nga namin si Kim na sila na ni Kiko, tumawa lang ito. ‘Di ba, may kasabihan tayo na silence means yes?
Well, kung hiwalay na nga ang dalawa, maging successful na kaya sila sa kani-kanilang career? Noong maging sila kasi, walang nangyayari sa career nila kahit nagbibida na si Kim at si Kiko naman ay kinukuhang leading man. Parang malas sila sa isa’t isa.
Abangan na lang natin kung aalagwa na ang kanilang career sa pagjhihiwalay nila.
MA at PA – Rommel Placente