Monday , July 15 2024

Xian, mas lapitin ng senior citizens

PANALO ang concert ni Xian Lim na #A Date With Xianna ginanap sa Kia Theater noong Saturday night. Kahit bumabagyo, hindi siya binigo at pinabayaan ng fans dahil napuno niya ang venue. Maaga rin nagsimula ang concert sa oras na inaasahan naming dahil maaga rin itong napuno.

Hindi naman nasayang ang pagpunta ng mga nanood kahit masama ang panahon dahil maraming pasabog si Xian.

Kompletos rekados dahil  kumanta, nag-rap with Abra, sumayaw, nag-piano, naggitara, nag-drums at kung ano-ano pang musical instrument ang tinugtog niya. Lahat ng kayang gawin ay ginawa niya. Opening pa lang ay nag-piano na si Xian habang kinakanta ang Sweet Child at saka  Jump. Pinalakpakan din siya nang kantahin niya angSi Aida, si Lorna O si Fe na tumugtog din siya ng isang musical instrument.

Isa pang pasabog at hindi ginagawa ni Xian ay ang sumayaw. Nag-Trumpets challenge siya with Dawn Chang kaya sigawan ang mga tao. May isang part na muntik bumagsak si Dawn dahil na-out of balance habang umaakyat siya sa balikat ni Xian pero sa galing niya ay hindi masyadong napansin.

Nag-duet din sina Xian at Richard Poon. Aminado ang actor na inspirasyon niya sa pagkanta si Richard. Noong baguhan pa lang daw si Xian ay kinausap niya si Richard saASAP kung paano ba talaga kumanta kaya sinagot niya na kailangan niyang marinig ang boses nito.

Nagkatsikahan din sila na pareho silang kilabot o paborito ng mga Senior Citizen ‘pag nagpe-perform. Kuwento ni Xian, ‘pag may US tour sila ‘yung mga bata, ‘yung mga babae na ‘pag mag-outfit ay kita na ang cleavage at naka-midriff top ay naglalapitan daw kina Gerald Anderson,Rayver Cruz, Echong Dee, at Enrique Gil. Ang lumalapit daw sa kanya ay mga senior citizen. Nagtawanan ang audience.

Naniniwala kami na mas maraming mommies ang nagkakagusto kay Xian dahil ‘pag papansinin ang audience niya sa #A Date with Xian karamihan ay ‘yung mga may edad, kayang bumili ng tiket at may mga trabaho.

Sey naman ni Kim Chiu, proud siya kay Xian dahil ipinakita nito lahat at puwede nang pang-ASAP.

Actually, puwede na talagang isalang si Xian sa mas malaking venue pagkatapos namin siyang mapanood. Bongga ang concert niya, pinaghandaan at hindi boring. Hindi siya tinayuan at nilayasan ng audience. Talagang tinapos ang concert niya.

May early birthday gift si Xian dahil nagtukaan sila ni Kim. Request niya ‘yun sa stage dahil matagal na raw na hindi nila ginagawa.

May pa-cake rin si Kim dahil birthday ni Xian sa Tuesday. Hiniling niya talaga sa audience na kantahan ng happy birthday si Xian. Tinanong ni Kim kung ano ang wish ni Xian. Ang sagot niya ay sumayaw sila para maiba naman. So, sumayaw silang dalawa na bago sa  paningin ng  mga fan.

Ibinuking din ni Kim na muntik nang umayaw si Xian noong irehearse nila ang naturang dance number. Katwiran ni Xian, parang ang hirap gawin na may hinto at walang bilang ang sinayaw nila.

Sabay din naggitara ang dalawa sa isang song number at natapos ang lahat sa halikan nila sa lips.

Isa ring dream ni Xian ay tumugtog ng piano na kasama ang Philharmonic Orchestra na naisakatuparan naman.

Huling guest na lumabas si Kim. Unang guest niya ay si Morisette Amon na kinanta nila ang themesong ng pelikula ni Xian with Vilma Santos at Angel Locsin naEverything About Her. Sinabayan pa ‘yun ng film clips ng pelikula.

Napansin namin na sumuporta at nanood ang mgaVilmanian sa concert ni Xian. Biniro pa nga namin sila na 100 ang binili ng Star For All Season na tikets para manood sila. Nanood din ang mga naging director ni Xian gaya nina Direk Joyce Bernal at Mae Cruz Alviar. Pati siMs. Chit Guerrero na nagtiwala sa kanya kaya limang taon na siyang host ngayon ng Binibining Pilipinas.

Kinilig din ang audience dahil bumaba si Xian at nagbigay ng roses sa mga babae.

Hindi pa tumigil si Xian dahil may ibubuga pa siya noong bandang huli, nag-piano siya habang kinakanta angImagine. Supposed to be ay ‘yun na ang last song niya pero humirit pa ng more ang audience kaya fast song at party na ang  finale niya.

Puwedeng-puwede nang magkaroon ng repeat concert si Xian dahil havey, worth at sulit talaga!

Congrats!

( ROLDAN CASTRO )

About Roldan Castro

Check Also

Billy Crawford

Hindi ako adik — Billy Crawford

MA at PAni Rommel Placente PAYAT ngayon si Billy Crawford. Sinasabi tuloy ng iba na gumagamit …

Michelle Gumabao

Michelle gustong tutukan akting, hosting 

I-FLEXni Jun Nardo IPAGPAPATULOY ng volleyball player na si Michelle Gumabao ang naudlot niyang showbiz career nang …

Blind Gay Couple

Opisyal na babaero sinubasob si male starlet

ni Ed de Leon SINO nga ba iyang opisyal na malaki ang katawan at bilog ang tiyan, …

Libingan ni Rico Yan ‘di na inirerespeto

HATAWANni Ed de Leon DESMAYADO si Jessy Mendiola dahil sa nakita niyang internet content na ginagawang pasyalan …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado Netflix

Dennis at Jen pinasok na pagpo-produce ng pelikula

HATAWANni Ed de Leon NAKATUTUWA  ang mga pangyayari, ngayon pala ay magsisimula na ring mag-produce ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *