Monday , July 15 2024

Kim at Kiko, pinaghiwalay para umalagwa ang career

BALITA namin ay break na sina Kim Rodriguez at Kiko Estrada.  Hindi pa naman umaaamin ang dalawa sa kanilang relasyon pero heto’t balita nga  na nagkanya-kanya na sila ng landas.

Alam namin noon pa na may relasyon sina Kiko at Kim. Lagi kasi namin silang nakikita na magkasama at sweet sa isa’t isa. At kahit nga hatinggabi na ay magkasama pa rin sila. Nakasabay kasi namin sila noon na dumalo sa birthday party ng aming common friend. Nagulat kami noong dumating sila roon na silang dalawa lang.

Nang lokohin nga namin si Kim na sila na ni Kiko, tumawa lang ito. ‘Di ba, may kasabihan tayo na  silence means yes?

Well, kung hiwalay na nga ang dalawa, maging successful na kaya sila sa kani-kanilang career? Noong maging sila kasi, walang nangyayari sa career nila  kahit nagbibida na si Kim at si Kiko naman ay kinukuhang leading man. Parang malas sila sa isa’t isa.

Abangan na lang natin kung aalagwa na ang kanilang career sa  pagjhihiwalay nila.

MA at PA – Rommel Placente

About Rommel Placente

Check Also

Billy Crawford

Hindi ako adik — Billy Crawford

MA at PAni Rommel Placente PAYAT ngayon si Billy Crawford. Sinasabi tuloy ng iba na gumagamit …

Michelle Gumabao

Michelle gustong tutukan akting, hosting 

I-FLEXni Jun Nardo IPAGPAPATULOY ng volleyball player na si Michelle Gumabao ang naudlot niyang showbiz career nang …

Blind Gay Couple

Opisyal na babaero sinubasob si male starlet

ni Ed de Leon SINO nga ba iyang opisyal na malaki ang katawan at bilog ang tiyan, …

Libingan ni Rico Yan ‘di na inirerespeto

HATAWANni Ed de Leon DESMAYADO si Jessy Mendiola dahil sa nakita niyang internet content na ginagawang pasyalan …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado Netflix

Dennis at Jen pinasok na pagpo-produce ng pelikula

HATAWANni Ed de Leon NAKATUTUWA  ang mga pangyayari, ngayon pala ay magsisimula na ring mag-produce ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *