ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Atty. Guiling Mamondiong bilang TESDA Secretary.
Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa kanyang pakikipagharap sa mga kababayang Muslim sa Davao City.
Sinabi ni Pangulong Duterte, layunin ng maraming Muslim sa kanyang gabinete na makabuo nang katanggap-tanggap na framework para sa MILF at MNLF partikular sa grupo ni Nur Misuari.
Ayon kay Duterte, nais niyang pagtuunan ang mga problema sa Mindanao lalo ang mataas na bilang ng mga mahihirap at nagugutom.
Pursigido si Duterte na iangat ang kabuhayan ng ilang lugar sa Mindanao lalo sa Autonomous Region in Muslim (ARMM) na napag-iiwanan ng ibang maunlad na lungsod sa bansa.