Thursday , June 4 2026
the who

Bagitong cong may Hydrocephalus!

THE WHO si neophyte congressman na hindi pa man nagsisimula ang session para sa 17th Congress ay nag-iinarte na agad?

Hak hak hak hak hak!

Ano?!

Feeling sikat na?!

Ayon sa ating Hunyango, itago na lang natin si mambabatas sa pangalang “distorted legislator”or in short LD dahil wala raw sa hulog ang ginawa niya sa ilang mamamahayag na nagko-cover sa Kongreso.

Kung matatandaan nagsimula kamakailan ang apat na araw na orientation sa mga bagitong mambabatas para huwag maligaw sa sistema at kalakaran ng Kamara sa oras na magsimula na.

Sa huling araw ng orientation kinausap ng mga mamamahayag si DL kung puwede siyang ma-interview pero sinabi niyang mamaya na lang dahil may picture taking pa sila.

Noong mga oras na iyon naka-set up na ang mga camera sa bandang likod ng kuwartong pinagdausan ng orientation para sa interview.

Kaya ang nangyari, naghintay na lamang ang mga kabaro natin na matapos ang piktyur-piktyur at nang tapos, lumapit ang mga cameraman at reporter sa bandang harap at sinabi baka puwede na siyang maka-panayam.

Nang mga sandaling iyon inilagay na ng mga cameraman ang kanilang kamera sa gawing harapan dahil ang alam nila lalarga na ang interview sapagkat tapos na ang piktyur-piktyur.

Sabay ba naman sinabi ni Cong na sandali lang at kukunin lang niya ang kanyang mga gamit kaya wait-wait na naman ang mga reporter at mamamahayag sa kanya.

Maya-maya, biglang sumenyas ang isang staff na babae ni DL at sinabing sa likod na lang daw ulit mag-interview!

Anak ng Kurimaw! Hilong-talilong na ang mga naghihintay sa’yo Cong!

Sarap mong tirisin ha!

So walang magawa kundi another set-up na naman ang mga cameraman na gigil na pati ang mga reporter.

Nang ma-interview na nila si DL hindi na sila nagtagal sa pagtatanong kung kaya’t dalawang question lang saka nag-alisan agad ang mga galit na reporter at cameraman.

Parang ganito ba, grrrrrrrrrrrrr!!!

Sabi nga ng media practitioners na nakaranas ng pangit na pag-estima ni DL, ‘yon na ang una’t huli nilang interview dahil sobrang arte raw ni Cong at ng babaeng staff niya!

May bumulong sa atin na si babaeng staff daw ang nanunulsol kay Cong kung anong dapat niyang gawin sa pagsasabing dapat si DL ang masunod kung saan niya gustong magpa-interview?

Ngak!

May Hydrocephalus ha!

Laki ulo!

THE WHO? SCANDAL – ni Jethro Sinocruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …