Wednesday , July 24 2024
AKSYON AGAD ni Almar Danguilan
AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Hari na ang nagsalita! At lotteng ni LM sa QC

NAKAGUGULAT  ang expose ni Pangulong Digong Duterte nitong Martes sa kanyang talumpati sa selebrasyon ng ika-16 anibersaryo ng Philippine Air Force (PAF).

Limang heneral mula sa Philippine National Police (PNP) na pawang mistah o upper class ni PNP Chief, Director General Roland “Bato” Dela Rosa, sa Philippine Military Academy (PMA), ang pinangalanan ng Pangulo na sangkot sa illegal drugs.

Ang mga heneral ay sina PNP Deputy Director General Marcelo Garbo Jr., dating  National Capital Region Police Office (NCRPO) chief,  Director Joel Pagdilao, Western Visayas regional director Chief Superintendent Bernardo Diaz, dating  Quezon City Police District (QCPD) Director, Chief Superintendent Edgardo Tinio at retired General Vicente “Vic” Loot.

Mabigat ang ibinulgar ni Pangulong Duterte laban sa matataas na opisyal – protector daw sila ng mga sindikato ng droga o sangkot sila sa illegal drugs na masasabing numero unong problema sa bansa.

Sa panig ng mga isinangkot na heneral, kanilang pinabulaanan na sangkot sila sa ilegal na droga kasabay ng pagsasabing naging aktibo at seryoso sila sa kanilang kampanya laban sa droga noong nasa posisyon sila.

Malalaking drug lords na kinabibilangan ng mga dayuhan pa nga raw ang kanilang naaaresto at nakumpiskahan ng kilo-kilong shabu na milyon-milyong din ang halaga.

Iba’t iba naman ang reaksiyon ng taongbayan sa expose ni Presidente. Nandiyan iyong mga nagsasabing, hindi magbibitaw ng expose si Pangulong Duterte kung wala siyang ebidensiya lalo na’t isa rin siyang abogado at naging fiscal pa, kaya alam daw ng pangulo ang kanyang ginagawa.

Naniniwala ang marami na may ebidensiya ang Palasyo kaya ibinunyag na ni Pangulo ang pangalan ng mga heneral. Nakatakda naman ilabas ang ebidensiya sa mga susunod na araw.

Habang may mga nagdadalawang-isip kung kanilang paniniwalaan ang expose pero Pangulo na raw kasi ang nagsalita. Kumbaga, mahirap daw baliin ang salita ng hari.

Pero ano pa man, abangan na lamang natin ang resulta ng imbestigasyon ng NAPOLCOM laban sa limang heneral.

Kaya sa mga sibilyan lalo na ang mga maimpluwensiya na sangkot sa sindikato ng droga, bago kayo mabuko ng  Pangulo, mabuti pa’y bumitaw na kayo sa sindikato at sumuko sa Pangulo. Sa ipinakita ng Pangulo, isa itong palatandaan na sersoyo ang Pangulo sa kampanya niya laban sa droga.

MGA KOBRADOR NI LITO M SA QC, PUSHERS DIN?

Talamak at naging untouchable sa mahabang panahon ang operasyon ng lotteng ni alyas Lito Motorsiklo sa Quezon City partikular sa barangay/s Payatas A & B; Commonwealth; Batasan Hills; Holy Spirit; Pasong Tamo; Old Balara; Sangadaan, Baesa at buong Novaliches at buong Fairview.

Ipinagmamalaki ni Lito Motorsiklo na may basbas siya mula sa mga opisyal ng barangay at Quezon City Hall. Ginagamit at ipinanakot pa ni LM sa mga operative ng QCPD ang  isang alyas Papa Mayor kaya, nagiging untouchable.

Pero ano itong impormasyon na may mga kobrador si Lito Motorsiklo na sangkot sa droga o pushers. Totoo ba na sa pagpapataya ay isinasabay nila ang pagtutulak ng droga?

In fairness kay Sr. Supt. Guillermo Eleazar, bagong upong QCPD Director (kauupo lang niyang nitong Lunes, 4Hulyo 2016), oo hindi pa nag-iinit sa kanyang upuan si Col. Eleazar, kaya kapag makarating sa kanyang kaalaman ang impormasyon, malamang  kanyang wawalisin ang salot na negosyo ni Lito Motorsiklo.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Mag-asawa for mayor sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ni Parañaque City Cong. Edwin Olivarez, ang utol …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Paghihintay sa SONA

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INAASAHANG nakatutok ang mata ng lahat sa Presidente sa …

Dragon Lady Amor Virata

Daming fake news sa socmed mga apektado kawawa naman

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SIYENTO PORSIYENTONG lumilitaw na ang social media ay ‘marites’ …

Sipat Mat Vicencio

Manalo kaya si Digong sa 2025 elections?

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI ang marami kung inaakalang tuluyang makalulusot si dating Pangulong Rodrigo “Digong” …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Mga mungkahi sa susunod na DepEd chief

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BAGO pa siya manumpa sa tungkulin bilang Kalihim ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *