Sunday , July 14 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

PNP nayanig sa pasabog ni Digong

KUMBAGA sa lungga ng mga daga, biglang nagpulasan ang mga sangkot sa ilegal na droga nang pasabugin na ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang pangalan ng mga heneral na sinabi niyang sangkot sa droga.

Mayroong sumalag agad. Mayroong nagpaliwanag kung bakit siya yumaman. Pero mayroon din naman nanahimik.

Kasunod nito, ipinatapon na rin sa Mindanao ang 35 pulis-NCRPO, karamihan ay mula sa QCPD anti-illegal units na pinaniniwalaang, kumakana ng diskarteng ‘Ninja.’

Ibig sabihin po ng Ninja, mga pulis na nagre-recycle ng huli nilang droga.

‘Yan po ang isa sa mga rason kung bakit natin iminumungkahi na i-lifestyle ang mga lespu na kabag-bago sa serbisyo ‘e parang ‘heneral’ na ang naipundar na yaman.

Marami po sila, Mahal na Pangulo. Tutukan po ninyo ang isang kapitan alyas kupitan sa Manila Police District na sandamakmak ang kotse, negosyo at bahay. Tiyak sasambulat din sa publiko kung bakit sandamkmak ang kanyang kuwarta.

Sabi nga, ang isang suspek o isang akusado hangga’t hindi nahahatulan at hindi dumaraan sa proseso ng paglilitis para ipagtanggol ang kanyang sarili ay nanatiling inosente.

070616 duterte drugs general

Siyempre, alam ng Pangulo ‘yan, dahil sabi nga niya, siya ay abogado at naging fiscal.

Alam niya kung ano ang kanyang ginagawa.

Pagkatapos tukuyin sina dating Philippine National Police (PNP) deputy director Gen. Marcelo Garbo Jr., retired Gen. Vicente Loot, at mga aktibo pa sa PNP na sina Gen. Bernardo Diaz, dating hepe ng Police Regional Office 6, dating National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Joel Pagdilao, at dating Quezon City Police District (QCPD) chief Edgardo Tinio, tiyak na ang kamay ng orasan ay nakatutok sa kanila upang patunayan na ‘nagkakamali’ ang Pangulo sa kanyang pagbubunyag.

Hindi tayo matutuwa kapag mapatunayan ng Pangulo na totoo nga ang kanyang sinasabi. Ito ay pagluluksa para sa sambayanang Filipino. Pagluluksa dahil habang iniisip natin na ang mga pulis ang ating tagapagtanggol, sila naman pala ang unti-unti nagwawasak ng kinabukasan ng ating mga kabataan, ng ating mga mamamayan na inilublob nila sa isang masamang bisyo — ang ilegal na droga.

Pero lalo naman tayong malulungkot kung hindi matutuldukan ang talamak na pagkalat ng ilegal na droga sa ating bansa, kung agad hihinto ang mga awtoridad sa kanilang kampanya laban sa droga dahil sa banta ng pananakot ng drug syndicate.

Mabigat na laban ito, hindi lang ng Pangulo kundi maging ng sambayanan…

Sana ay magtulungan tayo.

TIME-OUT DAW MUNA SI COMELEC
CHAIRMAN ANDRES BAUTISTA KAYA POSTPONED
MUNA ANG BARANGAY ELECTION

031916 comelec andres bautista

Naku, kawawa naman si Chairman Andres, napagod last May 09 elections…

Kaya ayaw muna niyang ituloy ang barangay election sa Oktubre.

Aba ‘e kung napapagod, magpahinga at umuwi na!

Nagtataka nga tayo ngayon diyan sa Comelec dahil ang dalas na nagsisigalot ng mga commissioner.

Sabi nga mga insider, sa government agencies kapag may away, isa lang ang dahilan… kuwarta lang ang pinag-uusapan.

‘E Chairman Bautista, saan ba kayo napagod talaga?

Sa eleksiyon o sa away-away?!

Pakisagot na nga!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Mga mungkahi sa susunod na DepEd chief

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BAGO pa siya manumpa sa tungkulin bilang Kalihim ng …

Dragon Lady Amor Virata

Calixto ng Pasay ‘di kayang gibain

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata KUNG mayroon man may lakas ng loob na labanan …

YANIG ni Bong Ramos

Bukod sa West Philippine Sea  
NCR, LUZON PENETRATED NA RIN NGA BA NG CHINA?

YANIGni Bong Ramos BUKOD sa West Philippine Sea (WPS), hindi nakapagtataka kung penetrated na rin …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Wanted ngayon: DepEd chief

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG gaano kabilis tinalikuran ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

Sipat Mat Vicencio

Sara mag-ingat sa pambobola ni Imee

SIPATni Mat Vicencio NGAYONG pormal nang nagbitiw si Vice President Sara Duterte bilang Secretary ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *