MUKHANG maraming artista ang masama ang loob sa isang network dahil hindi raw sila masyadong napapansin gayung loyal naman sila.
Mas inuuna pa raw bigyan ng projects ang mga artistang bago o ‘yung mga artistang nagbalik-loob.
Ang buong kuwento sa amin ng mga nakausap naming artista, “actually, hindi naman ganoon katindi ang sama ng loob, more on tampo lang kasi ang tagal naming naghihintay ng projects, tapos mas inuuna ‘yung mga bagong discovery o kaya ‘yung mga bumabalik lang.
“Okay lang ‘yung mga bagong lipat, kasi bibigyan ng priority kaya nga lumipat kasi hindi napapansin din sa network na pinanggalingan.”
Hirit namin na bakit hindi na lang din lumipat ang mga artistang kausap namin baka bigyan din sila ng priority sa network na lilipatan nila.
“Actually, may offers naman, kaso loyal nga kami. Hoping na baka mapansin kami, eh, sa nangyayari ngayon, hindi ko alam kung hanggang kailan ako maghihintay,” pahayag sa amin.
Sabi pa namin at least ‘pag lumipat sila sa network na nag-offer sila, tiyak na sila ang prioridad dahil mga kilala na sila.
“Wait lang namin kung anong offer nila (network), malapit na naman akong mag-renew,” sabi sa amin.
( Reggee Bonoan )