HANGGANG ngayon pala ay hindi pa rin natitigil ang gender issue kay Jed Madela, na sinasabi ng iba na bading ang magaling na singer. Gaya ng isang basher ni Jed, tinawag siya nitong ate Jed. Pero hindi naman apektado si Jed. Sinagot man niya ito ay sa paraan na hindi siya napikon.
Ang tanging sagot niya lang sa kanyang basher ay ipagdarasal na lang niya ito.
At least si Jed, hindi pinapatulan ang basher, hindi katulad ng iba nating mga artista na gaya nina Sharon Cuneta, Piolo Pascual, Luis Manzano, at iba pa na napipikon sa kanilang bashers at pinapatulan nila.
Sa mga nang-iintriga kay Jed o sa mga detractor niya na nagsasabi na bading siya, tigilan ninyo na sana siya dahil wala naman kayong proof na pumatol siya sa isang lalaki para sabihin ninyong bading siya.
MA at PA – Rommel Placente