Sunday , May 5 2024

Janno, may bago raw ‘kinakalantari’

MAY pinagdaraanan nga ba sa kanyang buhay-may-asawa si Janno Gibbs? If true, bakit tila hindi naman ito nagma-manifest in his work?

Lately ay nakompima na umano ang balitang finally, natuldukan na ang pagsasama nina Janno at Bing Loyzaga. At ang itinuturong cause of their separation ay ang umano’y walang habas pa ring pambababae ng TV host-actor.

Reportedly, ikinapuno na raw ‘yon ni Bing na agad-agad nang nakipaghiwalay sa kanya. Totoo nga bang bago tinuldukan ni Bing ang kanilang relasyon ay nagdayalog pa raw ito ng, ”Para kang nagtampo sa bigas!?”

Kung totoong hindi pa rin maawat si Janno sa kanyang womanizing ways, sino naman kayang babae ang kinalolokohan niya?

Posible kayang may nakursunadahan siya sa mga nagseseksihang babae na kasama niya sa comedy variety show na Happinas Happy Hour?

Could it possibly be na isa kina Maria Ozawa, Margo Midwinter, Daina Menezes, Abby Poblador at maging kay Tuesday Vargas ang “kinakalantari” ngayon ni Janno?

Kung sinuman sa mga babaeng nabanggit, Janno is definitely enjoying a happy hour at hindi lang tuwing Biyernes ng 9:00 p.m., huh!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Sunshine Cruz Bench Body

Sunshine ayaw pag-usapan ang lovelife—I’d rather keep it private

MA at PAni Rommel Placente AS much as possible, ayaw na ni Sunshine Cruz na …

Angeli Khang Bea Alonzo Dominic Roque

Angeli natakot lumabas nang isangkot sa hiwalayang Dominic-Bea

I-FLEXni Jun Nardo UMALMA na ang sexy star na si Angeli Khang na isinasangkot sa hiwalayan nina Bea …

Rabiya Mateo Faith Da Silva

Faith Da Silva itinuturong dahilan ‘di pagka-renew contract sa GMA

I-FLEXni Jun Nardo ENDO o end of contract ang dahilan ng beauty queen na si Rabiya …

Blind Item, Gay For Pay Money

Pagbibigay ng awards sa entertainment easy money

HATAWANni Ed de Leon SA dami ng nagbibigay ng entertainment awards ngayon na hindi mo …

Dingdong Dantes Marian Rivera Alden Richards Kathryn Bernardo

Phenomenal Box Office at Box Office King and Queen may pagkakaiba ba?

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin maintindihan kung ano ang kaibahan niyong Phenomenal Box office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *