HAPPY kami para kay John Lloyd Cruz na Best Actor sa Gawad Urian. Pero medyo kontrobersiyal ang unang statement niya sa acceptance speech na hindi siya naniniwala sa awards. Ito ba ang dahilan kaya hindi na siya sumisipot sa ibang awards giving bodies ‘pag nananalo siya?
Dumating lang siya sa Urian dahil sinabi niya noong mainterbyu namin siya saHome Sweetie Home na gusto niyang manalo para sa kanyang ina? Ibang klase kasi ang reaksiyon na ipinakita ng ina ni JLC noong mapanood niya ang pelikulang Honor Thy Father.
Bawi naman ni John Lloyd sa kangyang acceptance speech, ”Pero naniniwala po ako that there is honor in hard work, patience, perseverance, and timing. In case you find my first sentence puzzling, I also came here tonight as an actor to give honor and celebrate my pure love for cinema. Mabuhay po kayong lahat.”
Hindi ipinagdamot ng Urian ang kagustuhan niyang manalo dahil deserving naman siya. Magandang regalo na rin ito sa kaarawan ng actor noong June 24.
Abala ngayon si JLC sa paggawa ng pelikulang Ang Babaeng Humayo kasama ang dating Presidente ng ABS-CBN 2 na si Ms. Charo Santos. Umiral daw ang pagiging artista ni Charo at hindi nakita ni Lloydie ang pagiging Ma’am Charo nito. Itinuturing niyang isang magandang karanasan na nakatrabaho niya ang isang Charo Santos.
Bukod sa movie, tuloy-tuloy pa rin ang sitcom ni JLC na Home Sweetie Homewith Toni Gonzaga.
TALBOG – Roldan Castro