HINDI na pala tatanggap ng daring role si LJ Reyes. Bukod daw kasi sa nagpa-baptize na siya blang isang Christian ay lumalaki na raw kasi ang anak niyang si Aki.
Ayaw niya rin siyempre na napapanood siya ng anak na naghuhubad sa pelikula. Huling daring role niya na raw sa ang Anino Sa Likod ng Buwan na nagwagi siya bilang Best Actress sa katatapos lang na 39th Gawad Urian dahil sa mahusay niyang pagganap dito.
MA at PA – Rommel Placente