MAY mga lumabas na balita na umano’y magiging part ng Spider-Man: Homecoming si Liza Soberano.
Inimbitahan umano siya ng Marvel, creator ng Spiderman para gumanap bilang si Mary Jane, ang love interest ni Spiderman.
Pero ayon kay Liza, wala itong katotohanan. Wala raw siyang natatanggap na offer/invitation mula sa Marvel.
“It’s not really an invitation, I think it was what the fans [of Marvel] wanted. All my fans started re-tweeting it and everything, but wala naman po talagang invitation,” paglilinaw ni Liza.
Gayunman, masasabi ni Liza na isang malaking oportunidad para sa kanya kung sa kanya nga mapupunta ang role na Mary Jane o may offer sa kanya para gampanan ito.
“I would love that (to play Mary Jane). That would be a nice opportunity,” sabi pa ni Liza.
MA at PA – Rommel Placente