Thursday , June 4 2026

Buhay pag-ibig nina Melai at Pokwang, magbabago na

MAGBABAGO ang takbo ng buhay pag-ibig ni Maricel (Melai Cantiveros) matapos niyang hayagang aminin ang tunay na nararamdaman para sa ama ng kanyang anak na si Pocholo (Carlo Aquino) sa Kapamilya afternoon series na We Will Survive.

Matapos makipaghabulan ni Pocholo sa isang snatcher, hindi napigilan ni Maricel na aminin ang kanyang pagmamahal para sa kanyang dating kaibigan dala ng lubos na pag-aalala para rito. Dahil naman sa biglaan niyang pag-amin, mas malaya nang maipararamdam ni Pocholo ang kanyang pagmamahal ngayong handa na si Maricel na muling buksan ang kanyang puso.

Samantala, tuloy-tuloy naman ang paghahanda ni Edwin (Jeric Raval) para sa sorpresang proposal niya kay Wilma (Pokwang). Ngunit sabay sa kanyang palihim na preperasyon ay ang mga maling hinala ng kanyang nobya na dahilan para pagdudahan siya.

Magtuloy-tuloy na kaya ang magandang takbo ng pag-iibigan nina Pocholo at Maricel? Paano pa kaya maitatago ni Edwin ang kanyang sorpresa kay Wilma? Patuloy kayang umayon ang kapalaran sa kanilang mga buhay?

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …