Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
abs cbn

Kapamilya Network, number one pa rin

00 fact sheet reggeeNANANATILING panalo ang ABS-CBN network pagdating sa ratings game sa buwan ng Mayo na nakakuha ng 44% sa audience share kompara sa 32% ng karibal na TV network.

Base sa Kantar Media, halos 20 milyon page views din ang nakuha ng mga programa nito sa video streaming website ng ABS-CBN na iWant TV.

Siyam na programa ng ABS-CBN ang nanalo sa primetime block na nagtala ng average audience share na 49% kompara sa 31% ng kalaban.

Numero uno pa rin ang FPJ’s Ang Probinsyano (41.1%)  sumunod ang The Voice Kids (36.1%), Dolce Amore (32.9%), Pilipinas Got Talent (32.8%), Maalaala Mo Kaya (30.1%), TV Patrol (29.5%), Wansapanataym (28.9%), Home Sweetie Home (23.7%), at Rated K (21.2%).

Kasama rin ang Be My Lady (17.4%) at wagi pa rin ang It’s Showtime (18.5%) kompara sa Eat Bulaga (12.3%).

Sa Kapamilya Gold sa afternoon block ay nagtala ng 46% nationwide rating laban sa 33% ng kalaban, na nakamit ng Doble Kara ang 18.0% at Tubig at Langis na 15.9%.

Panalo rin ang ABS-CBN sa ibang teritoryo tulad sa Balance Luzon (mga lugar sa Luzon sa labas ng Mega Manila) sa national average audience share na 47% kontra 33% ng GMA; sa Visayas sa audience share na 54% kontra 24% ng kalaban; at sa Mindanao na may 54% kontra 27%.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …