VERY successful ang katatapos na PPop Boy Groups on Tour na ginanap last May 28 sa Starmall, Las Pinas hatid ng Cardams, Unisilvertime, Aura Soap,Ysa Skin and Body Experts, Aficionado Germany Perfume, Omizu Beautifying Natural Spring Water, New Placenta, at Starmall Las Pinas.
Bukod sa electrifying performances mula sa grupong X3M, Generation 6, Voyztrack, Detour, Fab4z, 6IX Degrees, Maximum Movers ay nagbigay ng espesyal na performance ang Internet Sensation na si Chesther Chua at ang singer/actor na si Ron Mclean bukod sa games at raffle.
Ang mga masuwerteng nanalo ay tumanggap ng notebooks at diamond earings, mugs at watch, 1,000 GC, Aura soap, New Placenta Soap, at pabango.
Umuwing nakangiti at masaya ang lahat ng mga nanood ng PPop Boy Groups On Tour dahil bukod sa nakita ng mga ito ang kanilang iniidolong boy groups, may prizes pa silang naiuwi.
MATABIL – John Fontanilla