INAMIN ni Enchong Dee kay Boy Abunda sa programa nito noong Martes ng gabi na anuman ang kinahinatnan ng karera niya ngayon ay wala siyang sinisisi kundi ang sarili niya.
Ilang taon na rin kasing walang teleserye si Enchong kaya sa tanong ng TWBAhost kung ano ang lagay ng career niya sa scale na 1-10 ay kaagad na sagot ng aktor ay 5.
Sabi ni Enchong, ”It’s so hard to be regretful and the same time ma-reklamo,’ di ba? If there’s anyone I can point fingers at it is myself, whatever failure or success that I have now is because of myself.”
Balik-pelikula ngayon si Enchong kasama si Kiray sa I Love You To Death na produced ng Regal Entertaiment na idinirehe ni Miko Libelo na protégé nina direk Jun Lana at Perci M. Intalan.
Pinasalamatan ni Enchong si Mother Lily Monteverde dahil, ”It’s experimental working with Kiray. Sabi ko nga Regal invested on both of us and let’s be honest. I don’t think Star (Cinema) would just give us something like this kind of project.
“I’m happy for this project (I Love You To Death) and excited to everyone to see this project kasi it’s something new, something different, it’s a breather as an actor.”
Ipalalabas ang I Love You To Death sa Hulyo 6.
Samantala, ipagdiriwang ni Enchong ang kanyang ika-10 taon sa showbiz at naglabas na siya ng ikalawa niyang album na may titulong EDM or Enchong Dee Moves na mabibili na sa record bars sa Hunyo 3 ngayong taon na ipinamamahagi ng Star Music.
FACT SHEET – Reggee Bonoan