Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Daniel Padilla Karla Estrada

Screaming headline kay Daniel, pinalagan

IDEMANDA kaya ni Karla Estrada ang isang editor ng isang tabloid matapos lumabas ang isang screaming headline sa kanyang anak na si Daniel Padilla?

Nakakaloka ang headline lalo pa’t tungkol ito sa drugs. Pinalagan nga ito ni Dominic Rea, PR ni Daniel, dahil obvious na sensationalism lang ito.

Actually, pumalag din ang editor ng tabloid dahil bash na kaliwa’t kanan ang inabot niya. Nadamay pa ang ilang tabloid writers na wala namang kinalaman dahil parang nag-generalize ang KathNiel fans sa pambabash. Pinalalabas kasing walang kuwenta ang tabloid writers.

We know kung saan nanggagaling ang KathNiel fans. Siyempre nga naman, naimbiyerna sila sa headline na wala namang katotohanan. Bugso lang ng damdamin nila ang umiral.

Actually, the tabloid editor had it coming. Kung hindi sa kanyang wala-sa-lugar na headline kay Daniel ay hindi mababatikos ang lahat ng tabloid writers.

Ipinagtanggol ng tabloid editor ang kanyang sarili at sinabing hindi naman marunong magpasalamat ang ilang celebrity sa tabloid writers. Naging malaking tulong din naman daw ang tabloids para sumikat ang isang artista.

Actually, ang dapat sagutin ng editor ay kung paanong napunta siya sa desisyon na ganoon ang gawing headline. That’s the issue rin. Lumaki na lang ang usapin dahil nandamay na ang fans at nilahat na nila ang tabloid writers, without considering that the issue is just against one tabloid and not all tabloids.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …