MAD about each other
Binasa sa amin ni Senator Francis ‘Kiko’ Pangilinan ang tula niya para sa misis na si Sharon Cuneta sa ginanap na Thanksgiving Party niya kasama ang mga kapanalig kamakailan.
Hinaluan kasi ng mga termino na may kinalaman sa pagiging isang magsasaka niya ang nasabing tula kaya nga sumige sa kaka-make faces ang Megastar na masayang-masaya dahil nag-renew din sila ng kailang marriage vows kamakailan.
Sa rami ng pagsubok na dinaanan nila sa kanilang relasyon, aminado ang dalawa na lalo lang silang pinagtitibay ng kanilang pagsasama dahil na rin sa suporta ng pamilya kaanak at mga kaibigan.
“Twenty two years ko na siyang girlfriend…and it’s the laughter and the passion that keeps us together apart from the love and other ingredients in a relationship.”
Biniro ko nga si Senator Kiko kung saan nanggagaling ang mga hugot niya sa patuloy na pagpapahayag ng pagmamahal kay Mega.
“Kung may farm to table, ako paulit-ulit na buksan niyo ang puso ko, siya lang ang isisigaw nito. Kaya, I am blessed. Nakasuporta lang kami sa isa’t isa. All the way!”
Kahit nga ang Megastar eh ini-enjoy din pala ang pagbubungkal ng lupa at malapit na nga raw silang maging magkakulay!
In every way. In all ways!
HARDTALK – Pilar Mateo