Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jeffrey Gonzales, nilait daw ng isang mayor!

00 Alam mo na NonieNAGULAT daw ang dating sexy actor na si Jeffrey Gonzales nang makatanggap ng tawag mula sa kanilang mayor sa Mariveles, Bataan na si Mayor Jesse I. Concepcion. Ayon sa dating sexy actor, pinagbantaan daw siya pati na ang kanyang pamilya at pinagmumura raw umano ng naturang mayor.

Totoo nga ba ito? Anyway, ayon sa post ni Jeffrey sa kanyang Facebook acccount:

“Para sa kaalaman nang lahat.. Pamilya ko, mga kaibigan ko, mga kababayan ko at mga fb friends ko at sa mga nakakakilala sa akin.. Exactly 10:27pm May 5, 2016. Tinawagan ako ni Mayor Jesse I. Concepcion. Pinagmumura niya ako at pinagbantaan. Hindi ko matanggap na ganun mga salita sasabihin niya sa akin. Sobra ang respeto ko sa kanya. Kahit na hindi naging maganda naranasan ko sa mga taong nakapaligid sa kanya. Nirerespeto ko pa rin sana cya. Pero sa pagtawag na ginawa niya sa akin kanina. Naglaho lahat ung respeto na dapat binibigay ko pa sa kanya. Oo, tama ka binigyan mo ako ng project jan sa bayan na sinasakupan mo. Pero lahat un pinagtrabahuhan ko at sinamahan ng pakikisama. Kaya wag mo po ako sumbatan! At wag na wag mo sasabihin sa akin na may atraso ako sa inyo! Kailan un at ano ang atraso na sinsabi mo? Baka kapag ako ang nagsalita ng iba pang katotohanan magulat kayo.Marami pa ang lumabas na hindi na dapat malaman ng iba..”

Sabi pa ni Jeffrey, nagsimula raw ang lahat sa isang comment niya sa Facebook account ng isa sa mga basher netizen ni Mayor Concepcion.

May kaugnayan lang kaya sa politika ang misunderstanding na ito?

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …