ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
IPINAHAYAG ng talented na singer na si Sofi Fermazi na malaking bagay para sa kanya na maatasang i-revive ang iconic na “Awitin Mo At Isasayaw Ko”ng VST and Co.
Ang naturang kanta ay sumikat noong 1978.
Aniya, “I feel honored, because this is a very popular song, maraming Filipinos ang nakaaalam nito and I’m glad to share my version with everyone.”
Pero iba ang version nito?
Tugon ni Sofi, “Yes, fortunately I was able to have my own version of this song under CAT Records with Star Music.”
Inusisa namin ang dalaga kung sino ang nag-decide na bagong version o kakaibang version ang gawin niya?
“Honestly the song was picked for me by the CAT Records X Star Music team and it was produced by Sir Teddy Katigbak,” matipid na wika pa ni Sofi.
Pahabol na dagdag niya, “What I remember is they said it would suit my voice.”
May iba pa bang songs na ire-revive siya?
“I’ll be keeping this as a surprise for now. Abangan!”
Kung siya naman ang papipiliin, ito raw ang song na gusto niyang i-revive. “I’d love to do Kim Chiu’s song Mr. Right. Kasi po, I feel like it’s just super-cute and it was one of my LSS (last song syndrome) songs from back then.”
Si Sofi ay naging bahagi ng StarKada ng Net25. Last March ng taong ito ay inilabas ang kanyang EP (Extended Play) titled “U4ME” mula Star Music. Ito ay naglalaman ng six songs at mapapakinggan dito ang upbeat na mga kanta.
Hindi lang magaling na singer ang dalaga, siya rin ay isang talented na composer na siyang nasa likod ng kanyang EP.
Ano ang iba pang aabangan sa kanya? “So far I’ve been doing a lot of live selling work, so you can check me out on TikTok @sofifermazi! There’s a lot in store there apart from the other things I do as well.”
May new single ba siya? “So far, to be announced! I’d be very grateful to be releasing a single in the future,” bitin na sambit niya.
Dahil parang uso ngayon or maraming artists ang nagre-release ng Christmas song, wish niya rin ba na mag-release ng Christmas song next year para every year or pagsapit ng Ber months ay napapakinggan din siya?
Nakangiting pahayag ni Sofi, “Yes for sure. Hopefully in the future po, I’d be able to release one.”
Ano ang wish niyang mangyari sa kanyang career sa pagpasok ng taong 2027?
“I just hope my career keeps growing. I always pray to eliminate anything that’s negative in my life as well.
“It always great to look at the bright side of things because you don’t know where you’ll really end up. Of course, there’s always going to be something good,” seryosong pagbabahagi pa ni Sofi.
