Sheree, todo-kayod para sa kanyang unico hijo

Sheree Bautista Gian Haley Bautista Magdangal

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

AMINADO si Sheree na talagang todo-kayod siya ngayon para sa unico hijo niyang si Gian Haley Bautista Magdangal, sa ex-partner na singer/theater actor na si Gian Magdangal.

Panimula ni Ms. Sheree, “Grateful talaga ako kay God, na marami akong blessings this year. Sana next year ganoon pa rin,

“College na kasi ang anak ko this year, so pinaghahandaan namin itong dalawa ni Gian, in fairness naman sa kanya, were co-parenting and Gian naman is a very good dad and provider sa anak niya.”

Dagdag pa ng talented na aktres, “So, talagang kailangan kong kumayod nang kumayod siyempre. First year na ang anak ko, Legal Management. Baka kapag nag-take-up na siya ng Law, sa abroad mag-aral.”

Biro pa ni Sheree, “Wala naman akong kaso, magkakakaso pa lang, hahaha! Hindi joke lang, huwag naman sana, hahaha! Hindi, mangkakaso pa lang ako, hahaha!”

Guwapings, matangkad, at magaling kumanta si Haley, sakaling pumasok sa showbiz ang anak, papayag ba siya?

“He is more of a musician, yes, mana sa amin ni Gian. Nakuha niya sa amin dalawa ni Gian ‘yun. Tapos, si Tita Lara (Maigue, wife ni Gian) pa niya na also is a musician. Kaya talagang surrounded with musician sa family si Haley.

“Okay lang sa akin kung mag-showbiz siya, pero mas prefer ko talaga na tapusin muna niya ang kanyang pag-aaral,” nakangiting pakli pa ni Sheree.

Anyway, humahataw ngayon si Sheree sa kaliwa’t kanang projects. Palabas na ngayon (nagstart noong Nov. 6) sa VMX ang pelikulang “MILF” na pinagbibidahan ng apat na Viva Hotbabes na sina Sheree, Katya Santos, Maui Taylor, at Gwen Garci.

May natapos na rin siyang new movie with Direk Mac Alejandre na mapapanood sa Viva One very soon. Plus, may TV series din si Sheree, ito ang “Taskforce Firewall” sa GMA-7, starring Kylie Padilla, Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara, Jak Roberto, Buboy Villar, at iba pa.

Ang kanilang matagumpay na reunion concert last October 23 sa New Frontier Theater titled “Bulaklak Viva Hot Babes Reunion Concert” kasama sina Maui Taylor, Katya Santos, Gwen Garci, Andrea del Rosario, Jaycee Parker, Ella V., at Jennifer Lee, ay dadalhin sa Dubai. This time, lima lang sa kanila ang available, ito’y sina Katya, Maui, Gwen, Jennifer, at Sheree.

Ito’y gaganapin sa January 9, 2027 sa Zabeel Park Amphitheatre at makakasama nila rito si Elias J TV Band.

Nabanggit din ni Sheree ang kanilang on-line short film series na nasa season-2 na ngayon.

Aniya, “Ito yung Directed By Comments, na parang passion project ko po. Ginawa ko ito for my social media platforms. Nag-start kami, around June, we did 10 episodes na actually ay isang psychological thriller. Very well written talaga, magaling iyong aming writer si Melissa ‘Mel’ de Asis at ang aming director, si Glen Gatchalian.”

So, lahat ito ay feedback sa netizens, kaya ganoon ang title?

“Yes, galing ito sa viewers, yung comments nila. Iyong Season 2 namin, hindi na siya horror. Mas nag-focus kami sa inspiring stories. Kumbaga, yung mga nagaganap ngayon sa Pilipinas na nakaka-relate ang mga tao.  

“Very good ang feedback sa amin, actually were going to million views na rin. Mapapanood ito sa Facebook and Instagram, soon, it’s going to be available na rin sa Tiktok and Youtube,” sambit ni Sheree.