MULA P80-M ay pumalo na sa P100-M ang kinita ng Philippine Adaptation ng hit Thailand movie na Pee Mak na pinagbibidahan nina Wilbert Ross at Bea Binene.
Kaya naman sa success ng Pee Mak ay parehong ‘di makapaniwala sina Bea at Wilbert na nagpapasalamat sa lahat ng nanood at sumuporta ng kanilang pelikula.
At sa pagtabo sa takilya ng kanilang pelikula ay hindi maiwasang maikompara ang mga ito sa iba pang loveteam ng Viva na mukhang naungusan na nga ng WilBea.
Marami ang nagsasabi na baka ang WilBea na ang susunod sa kasikatan ng JaDine (Nadine Lustre at James Reid) at sa pagiging certified box office stars.
Sana nga’y magsunod-sunod ang magagandang pelikula na gagawin ng WilBea na katulad ng Pee Mak ay tatabo rin sa takilya. (John Fontanilla)
